Camille Prats binigyan ng purity ring ang anak, pero para saan ba yarn!?

Camille Prats binigyan ng purity ring ang anak, pero para saan ba yarn!?

Camille Prats at Nathan Linsangan

PAMILYAR ba kayo mga ka-BANDERA sa tinatawag na “purity ring“? Yan kasi ang iniregalo ni Camille Prats sa panganay niyang si Nathan Linsangan.

Base sa Instagram post ng Kapuso actress at TV host, may dinaluhan sila ni Nathan o Nate na isang intimate event (purity ball) kamakailan kung saan nga niya ibinigay ang “purity ring” na siya pa mismo ang nagsuot.

Sa mga hindi pa nakakaalam, si Nate ang anak ni Camille sa kanyang late husband na si Anthony Linsangan.

Baka Bet Mo: Ria Atayde umaming mas mahirap maging producer kesa sa pag-arte sa harap ng camera; gustong makatulong sa movie industry

Ayon sa Wikipedia, “Wearing a purity ring is typically accompanied by a religious vow to practice abstinence until marriage.


“Chastity rings are part of the abstinence-only sex education movement and are intended to act as a physical reminder of the wearer’s chastity vow. A purity ring is made from sterling silver.”

Sa IG post ni Camille makikita ang mga photos nila ng anak sa dinaluhang event kung saan nakasama rin nila ang kanyang stepson na si Ice, ang anak naman ng asawa niya ngayong si VJ Yambao sa past relationship nito.

Ang caption ni Camille sa kanyang post, “Oh my boy you are indeed growing and I can no longer help it! (emoji) But by God’s grace, He has given us clear instructions on how we can walk with Him through His Word.”

Baka Bet Mo: Camille Prats may babala sa netizens ukol sa ‘ineendorsong’ produkto: This is a scam

Ayon pa sa Kapuso star, nangako raw si Nate na ipa-practice ang pagiging celibate hanggang sa matagpuan niya ang taong mamahalin at pakakasalan sa tamang panahon.

“Grateful for tonight’s meaningful event! We made a vow together as mom and son to stay pure until he finds the one whom he wants to bring to God to spend the rest of his life with. (Matagal pa yoooon thank God),” sabi ni Camille.

“Nate, I pray that God will impress it upon your heart the importance of staying pure in obedience to Him for as we say, obedience brings… blessings.

“May your heart be blessed and be aligned to God’s will for your life,” ang mensahe pa niya sa anak.


Maraming nag-post ng kanilang comments sa ibinahaging good news ni Camille at karamihan ay nagsabing napakaganda ng pagpapalaki ng aktres sa kanyang mga anak.

“Wow mars! these boys are going to be such a blessing to their future wives,” ang comment ng kaibigan ni Camille na si Iya Villania.

Sey ng host at dating beauty queen na si Miriam Quiambao, “Congrats Camille and Nathan! This is intentional parenting.”

Bukod sa kay Nate at sa stepson niyang si Ice, may dalawa namang anak sina Camille at VJ, sina Nala at Nolan.

Read more...