EXCLUSIVE: Marjorie kinilig, natakam sa ‘Secret Ingredient’ ni Julia

EXCLUSIVE: Marjorie kinilig, natakam sa ‘Secret Ingredient' ni Julia

PHOTOS: Courtesy of Sean Jimenez; Viu Philippines

“SOBRANG kilig! Sobrang ganda!”

‘Yan ang naging reaksyon ng ina ni Julia Barretto na si Marjorie nang nilapitan siya ng BANDERA pagkatapos ng press conference at advance screening ng Asian drama na “Secret Ingredient” na ginanap sa Taguig City noong April 28.

Present at nagpakita kasi ng all-out support ang ina ng aktres, pati na rin ang mga kapatid nito na sina Leon at Erich during the event.

Baka Bet Mo: ‘Secret Ingredient’ ni Julia siguradong pakikiligin, patatakamin ang fans

Sey ni Marjorie sa aming panayam, “Sobrang ganda ng ‘Secret Ingredient’ so because I’m a K-Drama lover and a foodie. And then sobrang kilig!”

Dagdag pa niya, “My only advice is when you watch is to either have food with you or kumain na muna kayo dahil maiinggit kayo. Ang ganda. Please watch out for it…Sobrang worth it!” 

Tama nga naman si Marjorie dahil nang mapanood namin ang first two episodes ng serye, talagang matatakam ka agad. 

Dahil pasabog at pak na pak ang mga tampok na pagkain mula sa iba’t ibang kultura, partikular na ang mula sa Pilipinas at Indonesia.

Sabi nga ni Julia sa presscon, proud siyang maging parte ng proyektong ito dahil bukod sa talentong Pinoy ay maipagmamalaki rin ang pagkaing Pinoy globally. 

“Kinilig din ako sa experience na ‘to kasi maha-highlight natin ‘yung Filipino dishes globally…I’m super excited kasi lahat ng Filipino favorites will really be part of the show,” saad niya. 

Ibinunyag din ng Kapamilya actress na pinaghandaan niya talaga ang role na kung saan ay nag-aral pa siya ng pagluluto.

“Lahat kami nag-culinary school, nag-short course kami. More than the cooking, it was the preparation, the fabrication, the deboning. Mas technical ‘yung tinuro sa amin,” sagot niya. 

Ang “Secret Ingredient” ang kauna-unahang regional drama series ng Viu na tampok ang cast na mula sa iba’t-ibang Asian countries –ang Pilipinas, South Korea at Indonesia.

Ito rin ang unang collaboration ng Viu Philippines, Unilever Nutrition SEA at Indonesia.

Ang series ay exclusive at libreng mapapanood sa Viu simula April 30 with new episodes na ire-release tuwing Martes.

Read more...