DALAWANG Hollywood films ang nakatakdang magbigay ng nerbyos at kaba sa moviegoers sa darating na Agosto!
Una na riyan ang psychological thriller film na “Blink Twice” ng engaged couple na sina Channing Tatum at Zoë Kravitz.
Si Channing at English actress na si Naomi Ackie ang ang bibida sa upcoming movie, habang ito naman ang magsisilbing directorial debut ni Zoë.
Narito ang synopsis ng pelikula mula sa Warner Bros. Pictures:
“When tech billionaire Slater King (Channing Tatum) meets cocktail waitress Frida (Naomi Ackie) at his fundraising gala, sparks fly. He invites her to join him and his friends on a dream vacation on his private island. It’s paradise. Wild nights blend into sun soaked days and everyone’s having a great time. No one wants this trip to end, but as strange things start to happen, Frida begins to question her reality. There is something wrong with this place. She’ll have to uncover the truth if she wants to make it out of this party alive.”
Ang “Blink Twice” ay mapapanood sa mga lokal na sinehan sa August 21.
Baka Bet Mo: ‘John Wick’ ng South Asia na si Dev Patel todo bakbakan sa ‘Monkey Man’
Isa pang kaabang-abang na thriller film mula sa Warner Bros. ay ang “Trap” na mula sa direksyon ni M. Night Shyamalan.
Para sa kaalaman ng marami, ang direktor ang nasa likod ng hit movies kagaya ng “Knock at the Cabin” at “Old.”
Siya rin ang nag-produce ng supernatural horror film na “The Watchers.”
Anyway, ang mga bibida sa upcoming movie ni Shyamalan ay ang American actor na si Josh Hartnett.
Tampok rin diyan sina Ariel Donoghue, Saleka Shyamalan, Hayley Mills, at Allison Pill.
Heto ang magiging kwento ng pelikula na ipapalabas sa August 7:
“A father and his teen daughter attend a pop concert, only to get caught in the center of a dark and sinister event,” saad sa press release.