KATULAD ng maraming netizens, bumilib at humanga rin ang EB Babes na si Lian Paz sa naging rebelasyon ni Atasha Muhlach kaugnay sa kanyang school allowance.
Kamakailan lang kasi, naging topic sa “Eat Bulaga” ang mga baon sa eskwelahan at diyan ibinunyag ni Atasha na P100 lang ang ibinibigay noon sa kanya ng mga magulang na sina Aga Muhlach at Charlene Gonzales.
Dahil diyan, tila napa-throwback din si Lian at sinabi niyang nakaka-relate siya sa Kapuso young actress.
“Na-amaze ako to know about Atasha Muhlach’s 100 pesos daily allowance, kasi back then in college ‘yan din ako,” panimula ni Lian sa post, kalakip ang kanyang throwback selfie.
Kwento pa niya, “Pero sa akin, kasama na ang pamasahe at pangkain. O ‘diba!”
Baka Bet Mo: Lian Paz binalikan kung paano tinaguyod ang mga anak noon nang mag-isa: It was not an easy path but…
“Si Atasha baka ‘di sundo naman or may school service, pure allowance lang ang 100 pesos,” kwento pa niya.
Sinabi rin niya na kahit ganoon ang ibinibigay na baon ng kanyang mga magulang ay ito ang naging dahilan na natuto siya sa buhay.
“But thanks to that ma, dad…if it weren’t for that, I’ll be used to comfort and I won’t have the courage to try to work while studying. I mean, maaga ako natuto sa buhay [red heart, folded hands emoji],” ani ni Lian sa IG.
Makikita rin sa kanyang post ang hashtags na “college days,” “magkano baon mo,” at “flashback.”
Sa comment section, maraming netizens ang nag-share din ng kanilang istorya pagdating sa mga baon nila sa school.
Narito ang mga nabasa naming kwento:
“I appreciate ‘yung mga real friends ko noon na sila pa nanglilibre sakin ‘nung malaman nila…imagine miriam college sosyal ‘nung una hindi ko pa pinapaalam wala ako baon hanggang sila na nakahalata hehehehe [smiling face emoji].”
“Mine was P140.00 fare at food. Pagkakasyahin pa kapag may school project, assignment at reports [crying emoji].”
“Ako Php70 baon, malapit lang house so pag lunch time, uuwi sa house [laughing emoji].”
“Naku anak, kung baon pag-uusapan eh ako noon 25 centavos haha. Pero tama ka naman, we value every experience, learnings and thank God we survived [red heart emoji].”