Sandara Park bet lahat ng ‘posisyon’, netizens nawindang

Sandara Park bet lahat ng 'posisyon', netizens nawindang
NALOKA ang mga netizens sa naging sagot ng South Korean star at datimg miyembro ng 2NE1 na si Sandara Park ukol sa kung ano ang paborito niyang “posisyon”.

Naging agaw pansin kasi ang kanyang kasuotan sa isa sa kanyang Instagram post habang ito ay nasa Paris.

Makikita kasi sa damit ni Sandara ang naka-print na iba’t ibang sex positions.

Kaya naman diretsahan siyang tinanong ng isang netizen kung ano ang paborito niya sa mga ito.

Baka Bet Mo: Sandara Park ready makipag-‘shot puno’ kay Pokwang

Tanong ng netizen kay Sandara, “Ati, anong fav position mo dito?”

Ngunit kwela ang naging sagot ng tinaguriang “Pambansang Krung Krung ng Pilipinas” sa tanong na ito.

“All of the above!” sagot ni Sandara.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksiyon sa netizens.

“Sandara Park sa kalat era hahaha,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Yan ang sagot hahaha”

“Ibang-iba ka na talaga Sandara hahaha,” sey naman ng isa.

Matatandaang sumikat muna sa Pilipinas ang South Korean national nang maging contestant ito sa kauna-unahang “Star Circle Quest” noong 2004 kung saan ka-batch niya sina Joross Gamboa, Roxanne Guinoo, Melissa Ricks, Joseph Bitangcol, Hero Angeles, Neri Naig, at iba pa.

Read more...