McCoy, Elisse tinupad ang ‘birthday wish’ ng anak: ‘I want Disneyland!’

McCoy, Elisse tinupad ang 'birthday wish' ng anak: 'I want Disneyland!'

PHOTO: Instagram/@elissejosonn

DINALA nina McCoy de Leon at Elisse Joson ang anak nilang si Baby Felize sa Hongkong Disneyland bilang regalo sa ginanap nitong kaarawan kamakailan.

Bukod sa themed party ng bagets ay humiling ito ng isa pang regalo at ito ay ang pumunta sa Disneyland base sa sagot ng tsikiting sa Daddy McCoy niya nang tanungin ito.

Base sa takbo ng usapan ng mag-ama:

Felize: Daddy! Its already my birthday!

Me (McCoy): Wala pa anak. Oh what do you want for your birthday?

Baka Bet Mo: Cristy Fermin nabahala sa pagpunta ni Kris Aquino sa Disneyland: Puntahan ng mga turista tapos lumalakad siya wala siyang face mask

Felize: Hmmm party… and I want DISNEYLAND!

Me: (emjo smiling face)

Sinunod nina McCoy at Elisse ang pangarap ng Baby Felize na makarating ng Disneyland at walang mapagsidlan ng tuwa ang anak.

Ang ganda ng kuha nin Elisse, Felize at McCoy na ang background ay ang castle sa Disneyland at ang caption ay, “Mahal ka namin anak (emoji heart) HAPPY BIRTHDAY.”

Natutuwa kami sa pamilyang ito dahil napaka-simple nila at simpleng buhay din na ginagawa ang lahat para sa nag-iisa nilang anak.

Lalo na si McCoy na kahit kinaiinisan na siya ng viewers bilang si David sa “FPJ’s Batang Quiapo” dahil sa napaka-epektibo niyang pagganap na kontrabida sa buhay ng kuya niyang si Tanggol played by Coco Martin at gusto na siyang mawala sa istorya.

Pero mukhang extended ang karakter ni David dahil bukod kay Tanggol ay kontrabida na rin ang tingin sa kanya ni Elijah Canlas bilang si Pablo Caballero na apo nina Tessie Tomas at Jaime Fabregas.

Dalawang karakter ang makakabangga ni David, sina Pablo at Tanggol at pag nalaman pa ni Christopher de Leon na hindi si David ang tunay niyang anak kundi si Tanggol ay malamang na ibaon na siya sa lupa.

Sa tingin namin ay hindi pa siya mawawala sa BQ dahil alam ni Coco bilang direktor at producer din ng programa na kailangan ni McCoy ng trabaho bilang may maliit pang anak na binubuhay at in fairness nakaka-deliver ang aktor in terms of acting at higit sa lahat never na-late sa tapings bagay na gustung-gusto ni Coco.

Read more...