Angelica umamin: Hindi ako perpekto at ideal na anak, matigas ang ulo ko

Angelica umamin: Hindi ako perpekto at ideal na anak, matigas ang ulo ko

Angelica Panganiban, Gregg Homan, Baby Bean at Annabelle Panganiban

“HINDI ako perpekto at ideal na anak… matigas ang ulo ko.” Yan ang bahagi ng mensahe ni Angelica Panganiban para sa kanyang ina.

Isang touching appreciation post ang ibinahagi ng Kapamilya actress sa pamamagitan ng kanyang Instagram page para sa nanay niyang si Ginang Annabelle Panganiban.

Kalakip ang litrato nila ng ina na kuha sa naganap na second wedding nila ni Gregg Homan last weekend sa isla ng Siargao ay ang nakakaantig na message niya para rito.

Baka Bet Mo: EA Guzman feeling lucky kay Shaira Diaz: ‘Wala pong perpektong relasyon, pero para sa akin, ‘yung ideal, irespeto mo ‘yung babae’

“Mama, alam ko kung gaano ka kasaya. Nauwi ako sa tamang tao,” ang simulang bahagi ng caption ng aktres at celebrity mom sa kanyang heartwarming IG post.


Pagpapatuloy ni Angge, “Madalas tayo mag biruan, sinasabi mo na alagaan ko si Gregg at UMAYOS AKO. Ang sagot ko naman, ‘Maaaa, dead na dead yan sa kin.'”

Nagpasalamat din siya sa kanyang nanay dahil sa pagtataguyod at maayos na pagpapalaki sa kanya.

“Pero ang totoo, hindi ako magiging sapat na mama ni Bean ngayon at maybahay ni Gregg kung hindi mo ko napalaki ng tama. Lahat ng meron ako ngayon ay pasasalamat ko sayo.

“Ikaw ang kayamanan ko na kaya kong ipagmalaki kahit kanino dahil ang lahat ng aral na napulot ko sayo ang ipapamana ko sa pamilya ko,” ang pagbabahagi pa ni Angelica.


Pag-amin pa ng celebrity mom, “Hindi ako perpekto at ideal na anak. Matigas ang ulo ko at madalas nilalaban ko ang mga gusto kong subukan.

“Pero hindi mo ko pinigilan o sadyang wala ka na lang nagawa. Salamat at hinayaan mo kong subukin ang lahat para sa ikakatapang ko. Mahal kita Ma,” ang kabuuang mensahe ni Angelica for her mother dear.

Ang unang wedding nina Angelica at Gregg ay naganap sa Amerika noong December, 2023 at muli nga silang nagpakasal sa Siargao last weekend na dinaluhan ng kanilang respective families at malalapit na kaibigan.

September, 2022 naman nang dumating ang panganay nilang anak na si Amila Sabine, o Bany Bean.

Read more...