2 pelikula ni Direk Philip King sabay na bumabandera sa sinehan

2 pelikula ni Direk Philip King sabay na bumabandera sa sinehan

Philip King at ang cast ng ‘Elevator’ at ‘G! LU’

ANG bongga ng filmmaker at scriptwriter na si Philip King dahil sabay na ipinalalabas ngayon ang dalawa niyang pelikula sa mga sinehan.

Isang milestone sa career ni Direk King, na isang writer-director sa Rein Entertainment, ang bonggang-bonggang kaganapang ito na bihirang mangyari sa movie industry.

Mahigit 10 years siyang naging scriptwriter ng ABS-CBN tulad sa mga top-rating primetime shows na “Noah”, “Budoy”, “Juan dela Cruz”, “Katorse”, “Kapitan”, “Kapitan”, at “Sana Maulit Muli”.

Baka Bet Mo: ‘Darna’ director Benedict Mique may pa-surprise sa 5 kabataang nangangarap maging scriptwriter

Nakapagsulat at nakapagdirek na rin siya sa Tencent Pictures ng unang Filipino Original Series, ang youth-oriented drama mystery na “Section St. Valentine: The Disappearance of Divine” na nag-streaming sa WE TV. Co-creator din siya ng critically-acclaimed TV series na “Bagman.”


Ani Direk Philip, “Nire-represent ng dalawang pelikula ang dalawang mahahalagang parte ng buhay, una, yu’ng ikaw ay magaslaw, bata, at pakawala at yu’ng parteng nasa sangandaan ka na ng tagumpay at kabiguan.”

Ang “Elevator” ng Rein Entertainment ay isang international co-production sa Viva Entertainment, Cineko Productions, WASD Media Productions, at Dogma Films.

Bida rito sina Paulo Avelino at Kylie Verzosa, with Singaporean actor Adrian Pang at iba pang ilang international actors.

Ito’y isang modern-day love story ng dalawang hard-working, career-driven Pinoy sa Singapore. Nang nagkakilala sila, kinailangan nilang mamili sa pag-ibig o katuparan ng kanilang ambisyon.

Baka Bet Mo: LJ Reyes ikinasal na sa non-showbiz partner na si Philip Evangelista, garden wedding sa US very intimate

Madamdaming kwento ito ng pag-iibigan sa isang maunlad at nagkukumahog na Singapore.

Setting ng “Elevator” ang hotel na tirahan ng migrant workers mula sa iba’t ibang bansa. Dagdag pa ni Direk Philip, “Ito’y modern love story and must-watch cinematic experience.”

Produced by ALV Films, ang “G! LU” sa pakikipagtulungan ng Bench at Rein Entertainment.


Bida sa 2024 summer movie na ito ang Pinoy hottest young stars – Ruru Madrid, Derrick Monasterio, David Licauco, Kiko Estrada, Teejay Marquez, Enzo Pineda, Katarina Rodriguez, Kimi Mugford, Sophia Senoron, Michelle Dee at Chanel Morales.

Tungkol ito sa mga huling araw ng summer – na dapat i-push-to-the-limit ang kanilang pagwawala at pagpapariwara.

Para sa 6 members ng VBC (Valley Boys Crew), ito ang trip para palakasin ang kanilang  pagkakaibigan at namnamin ang sarap ng buhay.

Kinunan sa nakakalokang La Union beaches at resorts, tampok sa pre-pandemic production na ito ang hottest Bench models.

Promise ni Direk Philip, “Ito ang must-see Summer Movie of 2024. Ito’y celebration ng friendship, freedom, adventure, at pursuit of living life to the fullest.

“Sakay lang sa wild journey of surf, waves, hookups, and unforgettable parties,” sabi ni Direk Philip.

Bukod sa “Elevator” at “G! LU”, co-producer ng Rein Entertainment sa “The Bagman” ang ABS-CBN International, Dreamscape Entertainment, at Nathan Studios.

Naniniwala ang mga taga-Rein Entertainment, kabilang na sina Lino Cayetano, Philip King at Shugo Praico sa importansiya ng collaboration through co-productions.

Unang theatrical release ng Rein Entertainment ay sa Metro Manila Film Festival 2022, ng kanilang film entry – “Nanahimik Ang Gabi” na nanalo ng apat National Awards sa Asian Academy Creative Awards ng Best Screenplay at Best Feature Film.

Read more...