Kim rumampa sa premiere night ng Paulo-Kylie movie; fans kilig much!

Kim rumampa sa premiere night ng Paulo-Kylie movie; fans kilig much!

Kylie Verzosa, Paulo Avelino at Kim Chiu

TALAGANG nag-effort at naglaan ng panahon si Kim Chiu para suportahan si Paulo Avelino sa bagong movie nito na “Elevator” mula sa Viva Films.

Sigawan ang mga fans nang dumating ang TV host-actress sa premiere night ng pelikula sa SM North EDSA Cinema kagabi na sandaling nagpa-interview sa ilang members ng press bago pumasok sa sinehan.

Ayon kay Kim, dumalo siya sa premiere night ng “Elevator” bilang support sa kanyang leading man sa “Linlang” at “What’s Wrong With Secretary Kim” at sa katambal nito sa movie na si Kylie Verzosa.

Baka Bet Mo: Sheena praning na mommy, nagsuot ng rain cover sa elevator kasama ang anak: Nakakahiya pero…

In fairness, talagang nagkagulo ang mga supporters nila ni Paulo nang bigla na lang siyang maglakad sa red carpet premiere ng “Elevator” dahil wala silang idea na sisipot nga ang TV host-actress sa event.


Ang eksenang ito kagabi ang isa sa mga patunay na mukhang may “something” na nga sa pagitan nina Kim at Paulo sa totoong buhay at hindi basta gimik lang para sa kanilang mga projects.

Pagdating naman sa loob ng sinehan, mas lalong kinilig ang mga fans kasabay ng malakas na tilian nang batiin at halikan ni Paulo si Kim.

“Everyone is here from ‘What’s Wrong with secretary Kim?!’ direk, and even the staff, let’s go Paulo!

“Sana support natin Philippine cinema dahil bumabalik na after the pandemic. It is a good way to destress,” aniya pa.

Baka Bet Mo: Paulo diretsahang tinanong si Janine: Type mo raw ba ako? Jojowain o totropahin?

“Pag si Paulo binibigyan ng role, ginagawa niya ng sobra,” sey ni Kim nang tanungin kung ano ang expectation niya sa bagong movie ng kanyang rumored boyfriend.

Sigurado kaming na-enjoy ni Kim nang bonggang-bongga ang pelikula nina Paulo at Kylie dahil bukod sa nabigyan nila ng hustisya ang kanilang respective roles ay winner din ang tema at kuwento nito.


Hindi lang kami sure kung nag-enjoy din siya sa kissing scene ng dalawang bida sa movie na naganap sa loob ng Elevator. Ha-hahaha! Charot!

Agree naman kami kay Paulo nang sabihin niyang “feel-good” lang ang kuwento ng “Elevator” at inspiring din dahil ipinakita rin sa pelikula kung paano magsumikap at magtrabaho nang marangal ang ating mga OFW.

Kinunan ang kabuuan ng pelikula sa Singapore kung saan gumaganap ngang elevator boy si Paulo habang si Kylie naman ang dyowa ng mayamang negosyante na mai-involve sa kanya na siyang pagsisimulan ng twists and turns ng istorya.

“It’s something that would inspire you not just for your career but also sa outlook mo in life,” ang sabi nga ni Paulo sa panayam sa kanya ng showbiz press.

Showing na ang “Elevator” simula ngayong araw sa mga sinehan nationwide, mula sa direksyon ni Philip King. This is produced by Viva Films, Rein Entertainment, Cineko Productions at Studio Viva.

Read more...