Celia Rodriguez umaalma kapag bobo ang katrabaho; fan na fan ni Ate Guy

Celia Rodriguez umaalma kapag bobo ang katrabaho; fan na fan ni Ate Guy

Nora Aunor at Celia Rodriguez

KUNG bobo ang mga nakakatrabaho niya sa mga teleserye at pelikula ay talagang pinagsasabihan daw ni Celia Rodriguez ang mga ito.

Sa ilang dekadang pananatili ng award-winning veteran star sa mundo ng showbiz ay marami na siyang nakakalokang experience sa mga kasamahang artista at direktor.

Aminado si Miss Celia na may mga filmmaker na ayaw na siyang makatrabaho uli dahil sa kanyang pagiging honest at down-to-earth. Pero meron din namang mga direktor na ayaw na rin niyang makasama uli.

Baka Bet Mo: Jed Madela tinawag na ‘bobo’, ‘tanga’ nang kumanta sa pa-thanksgiving ni Pangulong Duterte: Pang-patay daw kasi…

Sa guesting ng beteranang aktres at magaling na kontrabida sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Biyernes ay napag-usapan nga ang mga naging karanasan niya bilang aktres sa loob ng napakahaba nang panahon.

Revelation ni Miss Celia, “I had one director in Seiko Films who… pag-alis namin from Mindoro coming home, I said, ‘Direk, sandali.’ ‘O, ano na naman, tita?’


“‘You know, my greatest wish as an actress, I hope to God I will never work with you again,” ang mataray na dialogue ng movie at TV icon sa naturang direktor.

Naalala rin niya ang isa pang nakatrabahong direktor na kinausap daw niya dahil sa napakahabang dialogue na ipinagagawa sa kanya.

“Sinasabi ko, ‘Direk, sandali, pwedeng makausap? Bakit ang haba-haba (ng sasabihin ko), e, ang ibig lang naman sabihin, maligo ka, period?

“Bakit meron pang sabon, daster, hindi ba understood? Bakit kailangan pang ilagay lahat-lahat ng kasangkapan para maligo?’ That’s one thing they have in Hollywood, it is understood,” ang punto pa niya.

Baka Bet Mo: Boy Abunda: Natawag na ako ng bobo, pangit, laos, hindi marunong mag-interbyu…lahat iyan masakit!

Samantala, nag-share rin ang aktres ng isang magandang advice na natutunan niya sa isang direktor na nakatrabaho niya noon na hanggang ngayon ay baon-baon niya.

“It’s more of a body language. Not necessarily dialogue,” sabi ni Miss Celia.

Hanggang sa mabanggit nga niya na isa ang Superstar at National Artist na si Nora Aunor sa mga magagaling sa paggamit ng body language kapag umaakting.

“Aunor. Iba ang hugot ni Nora Aunor, e. I mean, she’s the only one I know na kahit nakatalikod, nag-a-acting ‘yung mata, nag-a-acting ‘yung likod niya,” papuri ni Miss Celia kay Ate Guy.

Kaya naman mula noon hanggang ngayon ay fan na fan pa rin siya ni Ate Guy pagdating sa aktingan.

Read more...