Diwata sa pagbida sa Batang Quiapo: ‘Malaking tulong sa negosyo’

Diwata sa pagbida sa Batang Quiapo: 'Malaking tulong sa negosyo'

PHOTO: Facebook/Diwata PARES OVerLoad (Official account)

AMINADO ang viral street vendor na si Diwata na malaki ang naitulong sa kanyang negosyong paresan ang pagtampok sa TV series na “FPJ’s Batang Quiapo.”

Ito ay matapos siyang tanungin ng video creator na si Art TV na ibinandera sa isang Facebook post.

Biro pa nga ni Diwata, “Well, kasi ‘diba alam naman natin na kahit hindi pa ako lumalabas doon sa TV, marami naman na akong customer, edi mas lalo akong gumanda ngayon ‘nung lumabas ako sa ‘Batang Quiapo,’ nadagdagan pa lalo.”

Sey niya, “So nakatulong talaga ang TV exposure sa business ko.”

Nilinaw rin niya na hindi lang naman dahil sa Batang Quiapo kaya lalong dumami ang kanyang customers, maraming vloggers at news outlets din daw kasi ang nagpupunta sa kanyang paresan kaya napo-promote din daw ito sa social media.

Baka Bet Mo: Diwata sa isyung ginagatasan daw siya ng vloggers: ‘Nakakatulong pa sila!’

“Lahat naman eh. Katulad sa inyo, mga vlogger kayo, may mga news pa diyan na nag-interview, so malaking impact ito, malaking tulong talaga ito sa negosyo ko kasi nakikilala siya,” paliwanag niya.

Kamailang lang, proud na kinumpirma ni Diwata sa isang vlog na nagsimula na siyang mag-taping para sa nasabing programa.

“Yeah tapos na ang taping ko sa ‘Batang Quiapo,’ pero next taping, hindi ko pa alam kung kailan. Pero nag-taping na ako,” pagbabahagi ng social media star.

Ang mga nakasama niya sa eksena ay sina Coco Martin, Ivana Alawi, at Kim Rodriguez.

“Basta Diwata pa rin ako doon,” chika pa niya sa kung ano ang gagampanan niyang papel sa “Batang Quiapo.”

Ayon din kay Diwata, ang pagtampok niya sa serye ay isang dream come true dahil noon daw ay napapanood lang daw niya ito, pero ngayon ay kasama na rin siya mismo sa mge eksena.

“Pangarap ko lang dati sila makita pero ngayon makakasama kuna,” masayang sey niya.

Read more...