Angelica Panganiban, Gregg Homan muling nagpakasal sa Siargao

Angelica Panganiban, Gregg Homan muling nagpakasal sa Siargao

Angelica Panganiban at Gregg Homan | Photos from @patdy11

IKINASAL muli ang aktres na si Angelica Panganiban at asawa nitong si Gregg Homan sa isang boutique resort sa Siargao ngayong araw, April 20.

Talaga namang star-studded ang kanilang kasal dahil dinaluhan ito ng mga malalapit niyang kaibigan mula sa showbiz, mga big bosses na nakatrabaho pati na rin ng kanilang friends and families outside showbiz.

April 19 pa lang ay marami na ang present na ang mga bisita nina Angelica at Gregg para sa all-white dinner party bago ang kanilang kasal.

Ilang oras bago ang kasal ay nag-post ang malapit na kaibigan ng aktres na si Anne Curtis.

Baka Bet Mo: Kuko ni Angelica agaw-eksena sa kasal nila ni Gregg: Ba’t parang ang dumi!?

“So excited for later @iamangelicap @gregg_homan and little bean! Baka maiyak me! This is it KAMBAL!!!!” saad ni Anne kalakip ang mga larawan na kuha sa wedding venue nina Angelica at Gregg.

Bago pa ang kanilang kasal ay pinagkalooban na sila ng anak na babae at ito ay si Amila Sabine o mas kilala bilang Baby Bean.

Matatandaang unang inanunsyo nina ang kanilang engagement noong October 2022.

Naganap naman ang una nilang kasal noong December 31, 2023 sa Los Angeles, California, USA.

Ilan sa mga celebrities na spotted sa wedding nina Angelica at Gregg ay sina Anne Curtis, Bela Padilla, Kim Chiu, Glaiza de Castro, Maxene Magalona, at marami pang iba.

Read more...