Ogie Diaz sa ‘pag-exit’ ng ‘Eat Bulaga’: Wala kaming kino-confirm

Ogie Diaz sa 'pag-exit' ng Eat Bulaga: 'Di po namin kinukumpirma

Ogie Diaz at Joey de Leon

UMALMA ang talent manager at showbiz insider na si Ogie Diaz ukol sa kumakalat na chikang tila kinukumpirma niya na mawawala na sa ere ng “Eat Bulaga”.

Matatandaang sa YouTube vlog niya na “Showbiz Update” kasama sina Mama Loi at Dyosah Pockoh ay natalakay nila ang chika na mamamaalam na sa telebisyon ang longest running noontime show na “Eat Bulaga” base sa ipinost sa social media ng Facebook page na Kapatid insider.

Kaya naman marami ang nagalit kay Ogie sa ginawa nitong pagbabalita matapos idenay ng “Eat Bulaga” main hosts na sina Joey dr Leon at Tito Sotto ang kumakalat na chika.

Sa isang Facebook post ay dinipensahan ng talent manager ang sarili at sinabihan ang netizens na panuorin nang buo ang kanilang vlog para malaman ang buong konteksto ng kanilang iniulat.

Saad ni Ogie, “Para po ito sa mga tumalon agad sa konklusyon na kinumpirma namin na mamamaalam ang Eat Bulaga, dahil nalulugi na ito.

Panoorin nyo po NANG BUO. Wag agad magre-react. Check nyo kung kinumpirma namin.”

Baka Bet Mo: Eat Bulaga pasok sa Top 5 Longest Running TV Show sa buong mundo

“Eto po ang resibo… konting oras, data o wifi lang ang kailangan para malaman nyo kung ano talaga ang ibinalita namin. In short, wag maging initials ng asawa ni Regine Velasquez,” sey pa ni Ogie.

Nag-upload rin ito ng bagong vlog para mas maipaliwanag nila ang kanilang sarili laban sa mga ibinabato ng netizens.

Bwelta ni Ogie, “Panoorin n’yo po nang buo kung paano namin ibinalita, inilaab, inilatag ‘yung isyu. Unang-una sa lahat, mayroon kaming pinagkuhaan,. Binasa namin at nung sinabi nga na nalulugi na ang Eat Bulaga, hindi naman kami naniwala.

“Sinabi ba namin na ‘Oo nga, tama yan.’ Sinabi namin? Wala naman kaming kinu-confirm.”

Samantala, nauna naman nang dinenay ng “Eat Bulaga” hosts ang isyu. Bukod pa rito, nakiusap na rin si Joey de Leon na huwag na silang pag-awayin ng “It’s Showtime”.

“Ito’y para lang matapos ‘yung mga usap-usapan—unang-una, hindi namin kaaway ‘yung Showtime.

“Ang pinapatungkulan namin ni Tito nung nagalit kami sa ‘Eat Bulaga’ ay ‘yung mga social media na nagpo-post,” sabi pa ni Joey.

Read more...