‘Cashero’ bagong K-Drama ng Netflix, bida ang K-Pop idol na si Jun-ho ng 2PM

‘Cashero’ bagong K-Drama ng Netflix, bida ang K-Pop idol na si Jun-ho ng 2PM

PHOTO: Courtesy of Netflix

MAY upcoming Korean drama na aabangan sa Netflix!

Ito ang “Cashero” na base sa widely acclaimed webtoon na may kaparehong titulo.

“[It] follows the story of ordinary government employee Kang Sang-woong, who earns the special ability to gain as much strength as the cash he holds, causing him to empty his wallet to save the world,” kwento sa synopsis ng series.

Noong April 18, ibinandera ng streaming service ang star-studded cast para sa K-Drama at unang-una riyan si Lee Jun-ho, ang isa sa miyembro ng K-Pop boy band na 2PM.

Siya ang bibida bilang si Kang Sang-woong, ang dating civil servant na ang bago niyang kapangyarihan ay nakatali sa kanyang kayamanan na tila isa sa mga magiging hadlang upang makamit niya ang maginhawang buhay.

Baka Bet Mo: Paolo, Kaye, Patrick bibida sa upcoming Netflix movie na ‘A Journey’

Ayon sa Netflix, tiyak na marami ang makaka-relate sa karakter ni Jun-ho at ito raw ay inaabangan na ng fans.

Tampok din sa upcoming serye si Kim Hye-jun na kilala sa kanyang pagganap sa “Kingdom,” “Inspector Koo,” at “A Shop for Killers.”

Si Hye-jun ang makakatambal ng K-pop star sa K-Drama.

Kabilang din sa line-up ng cast si Kim Byong-chul na tumampok sa “Doctor Cha,” “SKY Castle,” at “Descendants of the Sun” na gagampanan ang karakter bilang abogado na si Byun Ho In at may kapangyarihan na nag-a-activate lamang sa tuwing iinom siya ng alak.

Kasama rin nila si Kim Hyang-gi bilang Bang Eun-mi na nakukuha ang powers kapag may kinakaing calories.

Wala pang petsa kung kailan mapapanood ang “Cashero,” pero mula ito sa direksyon ni Lee Chang Min, ang nasa likod ng mga K-Drama na “Agency” at “Welcome to Wakiki.”

Read more...