Leon Barretto sa ‘pagsagot’ sa ama: I felt like it was my job

NAGSALITA na si Leon Barretto tungkol sa ginawa niyang open letter noon para sa kanyang tatay si Dennis Padilla tungkol sa hindi nila pagkakaintindihang mag-aama.

Sa kanilang guesting ng kapatid na si Julia Barretto sa “Magandang Buhay” noong Biyernes, April 19, nausisa ang binata tungkol sa kanyang pagpo-post ng open letter para sa ama bilang sagot sa mga ipino-post rin nito sa Instagram.

“As the only boy in the house, I felt like it was my job also to stand up for my sisters naman, because my sisters really don’t want issues naman,” pagbabahagi ni Leon.

Pagpapatuloy niya, “At the end of the day, they just really want peace. But I feel like sometimes you just have to stand up for yourself, but I wanted to do that for them.”

Baka Bet Mo: Sa wakas, Leon Barretto nagparamdam na kay Dennis: Thank you Papa!

Maging si Julia ay nagsalita na rin tungkol sa ginawang pagtatanggol sa kanila ni Leon.

“Grateful, of course. Because I feel like all throughout, parang wala naman naging protector for me,” saad ni Julia.

Aniya, ito raw ang unang pagkakataon na may lalaking nagtanggol sa kanya.

“So, technically, parang that was the first time somebody stood up for me and it was Leon pa.

“I did not expect ever in my life that it would be my younger brother. E, malaki na kasi siya, e, so nagiging protective na siya sa girls. He’s the only boy,” lahad ni Julia.

Matatandaang noong 2022 nang maglabas nv saloobin si Leon sa kanyang Instagram account ukol sa madalas na pagpo-post ni Dennis ng mga tampo nito sa mga anak kay Marjorie Barretto.

Dahil nga sa mga naging post ni Dennis ay marami ang natanggap ang magkakapatid na batikos mula sa netizens.

Kaya naman nagdesisyon si Leon na maglabas ng saloobin upang ipagtanggol ang mga kapatid.

“Papa, why does it seem like you enjoy hurting your kids in public? Why do you keep posting cryptic posts about us and allow people to bash us on your own Instagram page?

“Do you think it does not pain all of us not to feel protected by their own father?
“It’s not that we don’t want to talk to you, but the few times that we do to resolve the issues, you communicate by shouting, cursing, and using hurtful words that traumatize us,” parte ng open letter noon ni Leon.

Samantala, naikuwento ni Dennis kamakailan na nakatanggap siya ng birthday greeting mula kay Julia noong February 9, 2024 at gamit nito ang kanyang old phone number.

Sumagot rin si Leon ng thank you noong batiin siya ni Dennis ng maligayang kaarawan noong April 2.

Read more...