USAP-USAPAN ngayon sa social media ang mag-asawang Megan Young at Mikael Daez.
Ang hula kasi ng marami, mukhang ipinagbubuntis na ng beauty queen-actress ang first baby nila ng aktor.
Sa isang latest Instagram post, ibinandera ni Mikael ang video nila ni Megan na nag-eenjoy sa Boracay Island habang may pino-promote na sunscreen products.
Pero ang agaw-pansin sa netizens ay tila nadagdagan ang timbang ng aktres at medyo lumaki rin daw ang tiyan.
Dahil diyan, mababasa sa comment section na maraming fans na ang nagpaabot ng “congratulatory” messages sa couple.
Baka Bet Mo: Megan ayaw pang magka-baby, pero kapag nabuntis ready na ring maging mommy
Narito ang aming mga nabasa:
“Parang buntis na siya ‘yung shape ng tummy niya [ smiling face emoji].”
“Feeling ko buntis si Megan kasi tumaba na siya. Congratulations [party popper emoji]”
“May baby bump na siya. Hula ko 1 month na siyang preggy.”
“Parang buntis siya…Nag-iba ang katawan niya…Tumaba tapos lumaki ‘yung tummy… Mama bear [red heart emoji]”
“Sana ‘yung taba pang buntis na hehehe”
Ngunit, may ilan ding nagsasabi na hindi dapat jina-judge ang isang tao ng dahil lamang sa kanyang katawan.
Heto ang kanilang mga sentimyento:
“Porket nag-gain ng weight buntis na agad!? Happy for them kung meron nga pero hindi po lahat kapag nag-gain preggy na. Eto mahirap sa mga tao kapag tumaba maraming sinasabi.”
“The body comments are so cringe. Dearies, it’s 2024. Keep your st*p*d thoughts to yourself.”
“Dami assumero na buntis porket nadagdagan [ang] curves.”
As of this writing, walang pang sagot sina Megan at Mikael kung totoo nga ba ang mga hula ng ilang netizens.
Bukas naman ang BANDERA sa kanilang pahayag kaugnay sa mga chikang kumakalat na ito.
Samantala, taong 2010 nang unang nagkakilala ang mag-asawa sa isang fashion event kung saan pinahiram ni Mikael ang kanyang jacket kay Megan dahil nakita niya itong nalalamigan.
Simula niyan ay nagtuloy-tuloy ang pagkakaibigan nila hanggang sa naging magdyowa na nga sila noong 2011.
Dalawang beses ikinasal ang couple noong 2020 – ang una ay nangyari sa Nasugbu, Batangas (Jan. 10) at ang isa naman ay sa Subic, Zambales (Jan. 25).