John Lloyd kausap si Ciara matapos ang break-up kay Kaye Abad?

John Lloyd kausap si Ciara matapos ang break-up kay Kaye Abad?

Kaye Abad, John Lloyd Cruz, Ciara Sotto

PASABOG ang naging rebelasyon ng talent manager at showbiz insider na si Ogie Diaz tungkol sa nagdaang pag-iibigan nina Kaye Abad at John Lloyd Cruz.

Sa kanyang vlog na “Showbiz Update” kasama sina Mama Loi at Dyosa Pockoh, naoag-usapan nila ang naging pag-amin ni Kaye na kay John Lloyd ito pinakanahirapang mag-move on.

Para sa mga hindi aware, sumikat noon ang tambalan ng dalawa sa youth-oriented series na “Tabing Ilog” na ipinalabas sa ABS-CBN kasama sina Baron Geisler, Desiree del Valle, Patrick Garcia, Jodi Sta. Maria, at Paolo Contis.

Parte rin si Ogie ng naturang show at ayon sa kanya, noong mag-break ang dalawa ay may naging katawagan si Lloydie.

Baka Bet Mo: Kaye hirap na hirap mag-move on sa breakup nila ni John Lloyd…baket?

Chika pa ng talent manager, ang naging katawagan noon ni John Lloyd ay si Ciara Sotto.

Litanya ni Ogie, “Ito’y napag-uusapan lang naman…”

Well, kung sakaling totoo nga ang chika na baka si Ciara nga ang tinutukoy ni Kaye na kanyang pinagselosan noon ay ok na rin dahil may kanya-kanya na silang buhay sa ngayon.

Si Kaye ay happily married na sa businessman at dating “Pinoy Big Brother” housemate na si Paul Jake Castillo.

Samantala, masaya na rin naman si John Lloyd sa kanyang girlfriend na si Isabel Santos.

Wala pa namang pahayag sina Ciara at John Lloyd hinggil sa isyung ito.

Bukas naman ang Bandera sa pahayag ng mga kampong nabanggit sa itaas.

Read more...