NGAYONG hapon, April 18, sasailalim sa operasyon si Sen. Bong Revilla matapos mapuruhan ang isa niyang paa sa shooting ng bago niyang pelikula, ang “Alyas Pogi 4”.
Mismong ang kanyang maybahay na si Congresswoman Lani Mercado ang nagbalita na kailangan siyang operahan agad upang hindi na lumala ang pagkapunit ng kanyang Achilles tendon.
Sa Facebook live ni Sen. Bong habang naka-confine sa St. Luke’s Global City, sa Taguig, ibinalita nito ang nangyari sa kanya sa shooting ng “Birador: Alyas Pogi 4.”
Baka Bet Mo: Paa ni Bong napuruhan sa shooting ng ‘Alyas Pogi 4’, kailangang operahan
Napunit daw ang kanyang Achilles tendon matapos sumabak sa isang maaksyong eksena.
Sa panayam ng DZRH, ibinahagi ni Cong. Lani ang ilang detalye tungkol sa nangyari sa first shooting day ni Sen. Bong na nangyari sa Tagaytay.
“Patapos na yung eksena. Yung first take niya, hahabulin niya ang sasakyan. Mabilis yung takbo niya, naabutan nga niya yung sasakyan. So, dapat hindi niya maabutan yung sasakyan.
“So, they had to take it again. Nu’ng take two na, doon sumakit na yung paa niya. Hindi na niya matapak,” chika ng aktres-kongresista.
Patuloy pa niya, “So, ang findings ng doctor, yung kanyang Achilles tendon, ang nagho-hold na lang du’n, kumbaga punit na siya, 60%. Forty percent na lang yung nagho-hold ng kanyang paa.”
“Dapat mag-MRI siya para ma-check kung ano ang nangyari sa paa niya. Tapos, hindi na kami pinauwi para mapahinga yung paa.
“Pagkatapos nu’n, tests were done, nag-X-ray, nag-MRI and they compared his old X-ray sa ngayon. Du’n kami in-advise na kailangan talagang ituloy na yung kanyang Achilles tendon operation,” lahad pa ni Cong. Lani.
Humiling din ng dasal ang aktres sa kanilang mga tagasuporta na sana’y maging successful ang operasyon ng senador.
“We’re asking for prayers po na sana, maging okay po yung operation, maging successful. At saka yung recovery period, yun po yung importante sa lahat yung recovery niya after the operation,” aniya.
Baka Bet Mo: Ruru Madrid naaksidente sa taping ng ‘Lolong’, napuruhan ang kanang paa: I’m very sad…
Sinabihan na rin sila ng mga doktor na medyo matagal ang healing process na pagdaraanan ng veteran actor kaya naman inaalala niya ang mga projects at iba pang trabaho niya na matitigil.
Ayon kay Cong. Lani, “Hindi niya puwedeng itapak ang paa within the next two weeks. Pagkatapos nu’n, dahan dahan siyang…tatanggalin na yung cast after the operation. Tapos diyan magsisimula yung therapy niya.
“The therapy will continue from three and half to five months, depende sa kanyang recovery. Kasi bawat tao, iba-iba ang healing period, e.
“So, dapat maging mabait siya, maging disiplinado siya sa pagsunod sa therapy na yan, para mas mabilis yung recovery niya,” sabi pa ng aktres at public servant.
Habang isinusulat namin ang balitang ito ay posibleng inooperahan na si Sen. Bong.