Cast ng ‘Pepito Manaloto’ emosyonal, malapit na bang mamaalam?

Cast ng 'Pepito Manaloto' emosyonal, malapit na bang mamaalam?

PHOTO: Instagram/@maureenelarrazabalofficial

USAP-USAPAN sa social media ang posts na ibinandera ng ilang cast members ng “Pepito Manaloto.

Ang tanong ng maraming netizens, nalalapit na ba ang finale ng hit GMA TV series?

Sa Facebook, ibinandera ng batikang komedyante na si Michael V. ang isang picture na naka-group hug kasama sina John Feir, Manilyn Reynes, Chariz Solon, Janna Dominguez, Arthur Solinap, Mosang at tatlong iba pa na hindi makita sa litrato.

Ang kanyang caption, “Pepito Manaloto is more than just a fictional family on TV. It’s a real family that extends to its cast, writers, staff, crew, the network and most of all, our beloved audience.”

“Maraming, maraming salamat po sa oras at pagmamahal ninyong lahat [folded hands emoji],” aniya, kalakip ang background music na “Not Goodbye” by Colton Dixon.

Baka Bet Mo: Bitoy: Hindi mawawala sa ere ang Pepito Manaloto at hindi rin ako lilipat ng network

PHOTO: Screengrab from Facebook/Michael V

Sa Instagram naman, ni-reshare nina John, Manilyn, Arthur at Janna ang litrato sa kani-kanilang pages.

Sey ni John, “Pamilya kami,” kalakip ang red heart emoji at hashtag “Pepito Manaloto.”

Post ni Manilyn, “Family Love. At dahil ako ang pinakamatangkad, hanapin niyo ‘ko. Love you guys!”

Wika naman ni Arthur, “Te quiero todo ‘Pepito Manaloto’ Familia,” na ang translation sa Ingles ay “I love you all ‘Pepito Manaloto’ family.”

“Mahal ko kayo,” pagbabahagi naman ni Janna.

Ang cast member naman na si Maureen Larrazabal ay nag-post ng video compilation ng kanilang group photos.

Ang background song pa na ginamit ay ang “Through The Years” ni Kenny Roger.

Dinumog ng fans at avid viewers ang comment section ng mga nasabing posts at inihayag kung gaano nila kamahal ang show.

Karamihan sa kanila, umaasa na hindi pa matatapos agad ang hit series.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin:

“Hindi complete ang week kung hindi makapanood ng Pepito manaloto..[red heart emojis]”

“bakit lods parang tatapusin na?”

“Sana ‘wag alisin…’yan ang pinakamagandang comedy sitcom..”

“We love Pepito Manaloto…anyare…sana new season lang Mr. Michael V…’yan ‘yung dapat for keeps ng GMA…tine-treasure.”

“‘Wag naman sana. Lagi ko pa naman kayong pinapanood every Saturday. Besides sa maganda ang show niyo kasi may aral talaga, May mga explanation pa kayo sa mga terms na hindi alam ng tao.”

As of this writing, wala pang opisyal na pahayag ang GMA Network kung ano ang meron sa “Pepito Manaloto.”

Ang serye ay unang umere noong March 2010 kung saan ang unang bumida ay ang aktor na si Sef Cadayona.

Noong 2021 nang magkaroon ng season break ang show dulot ng COVID-19 pandemic, pero ito ay nagbalik noong 2022.

Ang istorya nito ay umiikot sa kwento nina Pepito na pinagbibidahan ni Bitoy at Elsa na ginagampanan naman ni Manilyn na nag-umpisa sa hirap ngunit nabago ang takbo ng buhay nang maka-jackpot sa lotto.

Read more...