Mikee, Dodot nakikialam ba sa lovelife ng 3 anak na lalaki?

Mikee, Dodot nakikialam ba sa lovelife ng 3 anak na lalaki?

Mikee Cojuango at Dodot Jaworski kasama ang 3 anak

HINDI nagkukulang ang mag-asawang Mikee Cojuangco at Dodot Jaworski sa pagpapaalala sa kanilang mga anak na laging maging marespeto at responsable.

Para sa celebrity couple, hindi  pakikialam ang ginagawa nilang paggabay at pakikipag-usap sa tatlo nilang anak tungkol sa mga kaganapan sa kanilang buhay.

Natanong sina Dodot at Mikee sa “Fast Talk with Boy Abunda” kung nakikialam ba sila sa personal na buhay ng kanilang mga anak na puro mga lalaki?

Baka Bet Mo: Robert Jaworski tinamaan ng ‘rare blood disease’, may konek nga ba sa basketball?

Hirit ni Mikee sa kanyang pinakamamahal na mister, “Pakialamero ba ang tawag doon? Involved.”

Sey ni Pasig City Vice Mayor Dodot, “I think we’re supportive in a way.”

“Communication is the key” pa rin para sa pamilya nina Mikee at Dodot. Sey ng hindi na gaanong aktibong aktres, “Kasi napag-uusapan namin, maintindihan nila.

“Ine-explain namin sa kanila ‘yung halaga ng pagpili nang tama. ‘Yung halaga ng… ’yung makakasundo ng other members of the family,” dagdag pa niya.

Naibahagi rin ng mag-asawa na totoong sinasabihan nila ang mga anak na dalhin sa bahay ang kanilang mga girlfriend at mga kaibigan para makilala nila.


“Maybe when they were younger, we used to say that. Kasi para sa amin, lahat ng mga kaibigan nila, barkada nila, pumupunta talaga sa bahay.

“And I think nakita nila na maganda ‘yung mga result no’n kasi we know them when they talk about them, naiintindihan namin,” sabi ng celebrity mom.

Baka Bet Mo: Si Charlie Cojuanco nga ba ang ‘C’ sa buhay ni Sharon Cuneta?

“There’s a closeness that also happens with our kids when we know their friends. Siyempre alam nila na kapag importante ‘yung tao sa kanila, they will introduce them to us,” dugtong pa ni Mikee.

Para naman kay Dodot, tina-try nilang ipaliwanag at ipaintindi sa mga anak na sina Robbie, Rafael, at Renzo, ang mga life lessons na natutunan din nila sa kanilang mga magulang.

“We brought them up in such a way that when they do introduce these potential friends or girlfriends to us, they also observe the interaction and they pick up from there.

“And so far, I think we’re both happy that our kids are seeing these nice girls,” sabi ni Dodot.

“Basta ang bilin ko lang sa kanila, while you’re young, you have to remember that you’re in a relationship because you want to be happy.

“And you’re supposed to support each other and not hold each other down,” pahayag ng dating PBA player.

“And if you can make the relationship flourish based on the principles of mutual respect and providing greater opportunities for each other, reaching your full potential, then okay. Why not?” saad pa ni Dodot.

Girlfriend ng anak nilang si Rafael ang Sparkle star na si Caitlyn Stave, na certified equestrian din tulad ni Mikee.

Read more...