SA wakas, natupad na ang matagal nang pangarap ni Gab Lagman na mabigyan ng big break sa mundo ng showbiz.
Maraming magagandang plano ang Viva Artists Agency para kay Gab, kaya naman abot-langit ang pasasalamat ng binata sa mga bossing ng Viva Entertainment.
Mas ginanahan pa si Gab ngayon dahil sa bonggang opportunity na ibinigay sa kanya ng Viva, at yan ay ang paglulunsad sa loveteam nila ng kapwa Viva Artists Agency talent na si Hyacinth Callado.
Baka Bet Mo: Ate Gay kinalimutan na ang mga bisyo; namanata matapos mabigyan ng second life
In fairness, hot na hot na rin ngayon ang tambalang HyGab na unang nakilala sa The University Series na napanood sa Viva One.
“I am really thankful kay Boss VR [
(Veronique del Rosario-Corpus, VAA President and COO) and Boss Vic (del Rosario, Viva Entertainment CEO), ‘coz we’ve been talking about this for a long time since I was with them for almost seven years na.
“And they finally gave me, they finally trusted me for the lead project.
“And I’m really thankful na si Hyacinth yung napiling loveteam ko. I’m gonna support her and I’m gonna be here for her at all times,” pahayag ni Gab sa mediacon ng Uni Love Squad kamakailan.
Kasama nila sa presscon ang dalawa pang pambatong loveteam ng Viva— ang MarVen nina Marco Gallo at Heaven Peralejo, ang KrisshRome nina Jerome Ponce at Krissha Viaje, at ang HyGab nga.
Ibinalita nina Gab at Hyacinth na dalawang proyekto ang gagawin nila this year – ang TV adaptation ng University series na “Chasing in the Wild” at ang suspense-horror series na “Sem Break” na parehong mapapanood sa Viva One simula sa May 10, 2024.
Baka Bet Mo: Vivamax bombshell Rob Guinto sa mga nanghuhusga sa kanya bilang sexy star: Sabihin na nila lahat ng gusto nila…
“Our first project together will be Sem Break. We are really grateful and thankful sa Viva na before doing Chasing in the Wild, we got to do a series together.
“We’re really grateful, of course, sa HyGab fans for always supporting us kahit hindi pa nag-start yung Chasing in the Wild,” aniya pa.
Sa tanong kung ano strength at weakness ng kanilang tambalan, “We both grew up in the US. Ang strength namin, we get along together. We like similar stuff.
“But yung weaknesses, hindi tulad ng loveteam nina MarVen at KrissRome, nag-work na sila with their own projects.
“Kami ni Hy, we haven’t started yet, so we’re really excited to work together. I will always be here for her, to guide her coz this is gonna be her first project,” sabi pa ni Gab.