Jillian eeksena sa Black Rider ni Ruru; gamutan habang nakikipagbarilan

Jillian eeksena sa Black Rider ni Ruru; gamutan habang nakikipagbarilan

Ruru Madrid at Jillian Ward

EXCITED na ang mga Kapuso viewers sa pag-eksena ni Jillian Ward sa hit primetime series ng GMA 7 na “Black Rider” na pinagbibidahan ni Ruru Madrid.

Yes, yes, yes mga ka-Marites! Nakatakda ngang tumawid ang karakter ni Jillian na si Doc Analyn Santos sa “Abot-Kamay Na Pangarap” sa second season ng “Black Rider” sa GMA Prime.

Usap-usapan ngayon sa social media ang video na inilabas ng GMA na kuha sa taping ng serye nina Ruru at Yassi Pressman kung saan makikitang nakaangkas si Doc Analyn sa motor ni Elias Guerrero (Ruru).

Baka Bet Mo:  Jillian Ward ayaw pang magpaligaw at magkadyowa; pangarap maka-collab sa susunod na project si Vice Ganda

“Nakakakaba po kasi ngayon lang ako sumakay ng motor pero siyempre nandito naman po ang ating napakagaling na si Sir Ruru kaya medyo nawala po kaagad ang kaba ko,” ang sey ni Jillian sa panayam ng “24 Oras.”

Sabi naman ni Ruru sa exciting episode na ito na mapapanood sa next chapter ng kanilang serye, “Siyempre kumbaga nakasalalay sa akin ang buhay ni Jillian Ward, kailangan talaga nating ingatan.”


“Dahan-dahan lang and eventually kanina, nag-motor kami, tinray ko ng konting bilisan para at least masanay siya ng konti,” sey pa ng hunk actor.

Baka Bet Mo: Jillian Ward sa pagbili ng ‘dream car’ na milyun-milyon ang halaga: I think deserve ko na po yun

Kuwento pa ni Ruru, manggagaling ang special appearance ni Jillian sa kuwento ng “Abot-Kamay Na Pangarap” hanggang sa tumawid sa “Black Rider.”

“Magagamot ko po si Black Rider,” ang patikim ni Jillian sa guesting niya sa show.

Hirit naman ng Kapuso Action Hero, “Habang nakikipagbarilan, ginagamot niya ‘yung sugat ko.”

Kung matatandaan, hindi ito ang unang pagkakataon na tumawid ang karakter ni Jillian sa ibang Kapuso series. Last year,  umeksena rin si Doc Analyn sa hit murder-mystery series na “Royal Blood” na pinagbidahan ni Dingdong Dantes.

Read more...