Pretty actress walang swerte sa lalaki, maldita at bungangera raw

Pretty actress walang swerte sa lalaki, maldita at bungangera raw

Reggee Bonoan |April 17,2024
facebook
share this

Pretty actress walang swerte sa lalaki, maldita at bungangera raw

Reggee Bonoan - April 17, 2024 - 09:12 PM

Pretty actress walang swerte sa lalaki, maldita at bungangera raw

MAY pagkamaldita pala ang magandang aktres kaya walang nagtatagal na boyfriend.

Naikuwento lang ito sa amin ng ilang taong nakasama ng aktres sa out of town shoot at laging inaaway ang dyowa kapag nagkakatawagan sila.

“’Day nakakaloka si ___ (magandang aktres) kaya pala walang tumatagal na dyowa lola mo, maldita as in! Pati sa staff and crew hindi man lang bumabati at laging nakaismid.

“Pagdating sa set babatiin lang mga artistang kasama at direktor, wala na siya pakialam sa iba,” sumbong sa amin.

“Pag oras naman ng kainan, doon siya sa tent niya kakain, hindi sumasabay sa iba at parang may sariling mundo.

“Pansin mo kapag wala sa mood, nakasimangot at laging may ka-text. Maya-maya maririnig mon a lang may kausap sa phone at nakikipag debate.  ‘Yung isang yaya tahimik lang,” kuwento sa amin.

Baka Bet Mo: Magandang aktres ‘di aware sa ‘side trip’ ng dyowa, pati frenny niya bet tikman?

Si magandang aktres na articulate naman kausap ay nakailang boyfriend na sa showbiz na pawang artista rin at kung hindi kami nagkakamali ay nasa lima na ata.  Pawang guwapo sila, siyempre alangan pumili siya ng hindi level sa ganda niya.

Sa lima, alam namin ay mabait sila hindi lang kami sure kung baka may mga kakaiba ring ugali kaya hindi sila magkasundo ng aktres.

Sa pagkakaalam namin ay parang hanggang tatlong taon lang lagi ang relasyon ni aktres sa mga dyowa niya.

Ang huling boyfriend ni magandang aktres ay guwapong aktor na nagulat na lang kami na biglang hindi na sila at may ibang nililigawan na at aktres din. ‘Yun lang hindi kami sure kung type siya ng nililigawan.

Anyway, sa kasalukuyan ay walang boyfriend si MA at may inirereto naman sa kanya at sana maging okay sila dahil ‘yung apat na ex-dyowa niya ay masaya na sa kani-kanilang karelasyon ngayon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pansin din naming konti lag ang projects ng magandang aktres ngayon. Hmmmm, hindi rin kaya siya type sa production?

Sayang naman, marunong naman umarte at maganda rin siya sa screen.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending