Jackie Gonzaga sinuwerte dahil sa pakikipagbardagulan kay Vice Ganda

NANG dahil sa pakikipagbardagulan ni Jackie “Ate Girl” Gonzaga kay Vice Ganda sa “It’s Showtime” ay nabigyan siya ng malaking break sa programa.

Nagsimula ang dalaga sa pagiging back-up dancer sa naturang Kapamilya noontime show kung saan napapanood din siyang nag-a-assist sa mga hosts sa iba’t ibang segment.

Inalala ni Jackie yung panahong nagsisimula pa lamang siya sa “It’s Showtime” kung saan nakilala nga siya sa tawag na “Ate Girl” hanggang sa mabigyan ng big break at kunin nang co-host nina Vice Ganda, Anne Curtis, Karylle at Vhong Navarro.

“Nag-start po talaga ako as dancer sa It’s Showtime. Ako po ang nag-a-assist kasi ‘yon po ang work namin doon, backup dancer.

Baka Bet Mo: Ate girl hindi happy sa P299 engagement ring: Ganito ba kababa ang halaga ko?


“Nag-a-assist sa mga segment, taga-abot ng bowls, questions and everything,” ang pagbabalik-tanaw ni Jackie sa panayam ng “Unang Hirit” kahapon, April 16.

Patuloy niya, “Tapos si Ate Vice, inookray niya palagi ‘yung mga dancers talaga.”

Kung ang ibang dancers ay walang reaksyon at dedma lang sa pang-ookray sa kanila ni Vice, naging palaban naman si Jackie sa pakikipagbardagulan kay Vice.

“Sumakto na ako ‘yung isang dancer na inokray niya na sumasagot. ‘Yung iba kasi nahihiya. Kapag ako inookray kami ni Meme, sumasagot talaga ako sa kanya. Laban na!” ang natatawang sey ni Ate Girl.

Kasunod nga nito ay nabigyan na ng maraming exposure si Jackie sa show dahil nga pak na pak sa madlang pipol ang batuhan nila ng hugot lines. Hanggang pumatok na ang kanilang tandem na ViceJack.

“Actually mahilig po ako sa pickup lines talaga during that time, tapos lagi ko talaga siyang pinapanood, giliw na giliw ako kay Ate Vice bago pa kami nagkaroon ng banter moment,” chika ni Jackie.

At ang sikreto raw ng host-dancer para laging makasagot sa mga hirit ni Vice, “Dapat nagbe-breakfast!”

Palagi ring nagba-viral sa social media ang mga video ng kanyang pag-split habang nagdi-dribble sa “It’s Showtime” na napapanood na rin ngayon sa GMA 7.

“Sobrang thankful and grateful po kaming lahat at sobrang saya namin kasi palaki na nang palaki ‘yung pamilya, marami nang nakakapanood, lalo na nadagdagan tayo ng mga Madlang Kapuso!” mensahe naman ni Jackie sa Madlang Kapuso.

Read more...