IBA-IBA ang naging reaksyon ng netizens sa muling pagbisita ng abogadong si Oliver Moeller sa “It’s Showtime” kahapon, April 16.
Sa mga hindi pa masyadong aware, si Oliver ang nag-viral na searchee sa “EXpecially For You” segment ng “It’s Showtime” last April 6 na siyang napiling ka-date ni Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee.
Maraming kinilig sa dalawa nang magkachikahan sa dating-game segment ng Kapamilya noontime show kaya naman talagang nag-trending ang nasabing episode ng programa.
Baka Bet Mo: Direk Olive Lamasan pangarap maging duktor o nurse noon; natulala nang makita si Charo
At kahapon nga, muling bumisita ang Filipino-Norwegian lawyer sa “Showtime” at ang balita, ang host ng programa na si Kim Chiu ang totoong sadya ng binata.
“I just want to meet some friends, want to thank the people of Showtime and ABS-CBN for inviting me,” ang esplika ni Oliver nang matanong sa panayam ng ABS-CBN kung bakit siya bumalik sa “Showtime.”
Inamin niyang mula nang mag-guest siya sa “EXpecially For You” ay biglang nagbago ang takbo ng buhay niya.
“It’s been crazy, overwhelming, and just… I’m just happy. I’m so happy that all my friends and my family are happy with everything that’s happened,” aniya.
In fairness, talagang sinalubong pa siya ng kanyang mga kababayan at instant fans nang umuwi sa Cebu.
“Yes, overwhelmed and, just like I said, just happy. I’m so happy that me just being there brought a lot of smiles to a lot of people,” sey ng abogado.
Baka Bet Mo: Sasakyan ni Lani binasag, mga gown na ginagamit niya sa US concert tour ninakaw
Patuloy pa niya, “I guess a door on expanding my network, expanding my connections, maybe looking at some things in Manila.”
Game rin daw siya sakaling magkaroon ng offer to try showbiz, “I’m actually considering it. That’s part of the reason why.”
Kung sasabak siya sa pag-aartista, iiwan ba niya ang kanyang pagiging lawyer? “I’ll always be a lawyer by heart.
“So, I most likely will still be based in Cebu most of the time, but I don’t mind flying into Manila every now and then,” aniya.
Tungkol naman sa first date nila ni Michelle, “She is amazing, elegant, such a well-spoken person, very professional. So, yeah, amazing person.
Pero mukhang hindi nga si Michelle ang sini-ship sa kanya ng netizens kundi si Kim Chiu, “Yes, I’ve noticed. I’ve noticed the attention.”
Natanong siya sa naturang panayam kung crush na ba niya si Kim bago pa siya umapir sa “EXpecially For You”, “I’ve always thought Kim was such a pretty person. You know, she’s from Cebu. So, I mean, I guess you could say that.”
At sa diretsahang tanong ni MJ Felipe kung pinopormahan ba niya si Kim, “I don’t think it’s fair that I speak about that without Kim’s permission. So, I’m so sorry. I hope you understand. But Kim’s pretty nice.
May mga natuwa at kinilig sa pahayag ni Oliver pero marami rin ang biglang nangnega sa kanya.
Ilang fans ni Kim ang nagsabing “clout chaser” ang abogado at ginagamit lang ang aktres para sa kanyang ambisyon na makapasok sa showbiz.
“Hindi siya interested kay Kim. Interested siya sa attention brought about by showbiz questions. Be a private person.”
“Mas ok naman yan kaysa kay paolo babaero din yon at may anak.”
“Yaaaaaaas!! Wag na yung isang Commitment-Phobe na may PDA for 10 years plus-plus kaya hiniwalayan ang jowa at never nagka–serious relationship while buhay pa si PDA.”
Yan ang ilan sa mga reaksyon ng netizens sa comments section na mababasa sa Instagram page ng BANDERA.