EB pasok sa Top 5 Longest Running TV Show sa buong mundo

Eat Bulaga pasok sa Top 5 Longest Running TV Show sa buong mundo

Ervin Santiago |April 17,2024
facebook
share this

Eat Bulaga pasok sa Top 5 Longest Running TV Show sa buong mundo

Ervin Santiago - April 17, 2024 - 08:45 AM

Eat Bulaga pasok sa Top 5 Longest Running TV Show sa buong mundo

TVJ at ang iba pang Eat Bulaga Dabarkads

IBINANDERA ng TV and movie icon na si Joey de Leon ang bagong achievements na nakuha ng kanilang noontime show na “Eat Bulaga“.

Proud na proud na ibinahagi ng veteran comedian at TV host na nakapasok ang “Eat Bulaga” sa listahan ng “Top 5 Longest Running TV Show” sa buong mundo.

Yes, hindi lang sa Pilipinas o sa Asia gumawa ng kasaysayan ang programa ng iconic trio nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey ang “Eat Bulaga” kundi maging sa buong universe!

Baka Bet Mo: Tito Sotto hindi iiwan si Mr. T, nakikipagdiskusyon pa nga ba sa bagong chairman ng TAPE Inc. para sa ‘Eat Bulaga’?

Ipinost ng tinaguriang Henyo Master sa kanyang Instagram account ang naturang good news na ikinatuwa siyempre ng lahat ng Dabarkads sa iba’t ibang panig ng mundo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Joey de Leon (@angpoetnyo)


“The Top 5 LONGEST RUNNING TV Shows in the world! (clapping hands emoji),” ang caption na inilagay ni Joey kung saan makikita ang isang litrato na kuha niya sa flat screen TV ng pinapanood niyang show.

Sa naturang listahan, nakagalay ang 45 years na pag-ere ng “Eat Bulaga” sa Pilipinas. Ang nasa unang posisyon na 56 nang umeere ay isang teleserye mula sa Amerika.

Samu’t saring reaksyon ang nakuha ng IG post ni Joey, pero karamihan naman ay mga positibong komento mula sa netizens.

Baka Bet Mo: Basher na nagsabing matanda na ang TVJ supalpal kay Joey: ‘Tumahimik ka na, may galit na ‘ko kasi pakialamera at inggitera kayo’

“Wow Congrats Eat Bulaga and Dabarkads! So proud of u. Galing! Ibig sabihin sa category ng “Variety Show” ay Top1 ang Eat Bulaga sa Longest Running Show at ipasok nyo na po sa Guinness World Records. Yey!!! Dala ng Eat Bulaga ang bandera ng Pilipinas!”

“Wala parin talagang tatalo sa @eatbulaga1979 sabi nga nila hangang may bata may eatbulaga.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Joey de Leon (@angpoetnyo)


“Yung tuwang tuwa ang iba dahil napataob dw nila ang EB sa rating to think n sankatutak ang channel na meron sila.. mga aligaga. pero ang EB chill lang, wala ng dapat patunayan. kanila ang ratings..pero sa EB ang longest running variety show at mahal ng masa, mapamatanda o bata. EB dabarkads forever.”

“Soap opera umabot ng 56years ang galing naman ng writers kung ganun…variety show pwede pa kaya bilib na bilib ako kina TVJ talagang solid ang pagmamahal sa show nila na EAT BULAGA ,congratulations and more years to celebrate lapit na mag 50years ang TVJ EAT BULAGA and the dabarkads.”

“5 more years Golden na po at sana ibalik yung mga segments na nag click talaga at tumatak sa EB.”

“I used to watch Days of our lives and young and the restless.. nagmamadali pa ako makauwi from highschool.. 25 years later and it’s still airing same time schedule.”

Matindihan ngayon ang labanan sa pagitan ng “Eat Bulaga” at “It’s Showtime” ng ABS-CBN na napapanood na rin ngayon sa GMA 7. Ilang araw nang natatalo ng show ng grupo nina Vice Ganda at Anne Curtis ang TVJ.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pero para sa mga Legit Dabarkads, talo pa rin ng “EB” kung tutuusin ang “Showtime” dahil sa isang TV network lang napapanood ang programa ng TVJ samantalang sa mahigit 3 istasyon umeere ang show nina Vice.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending