NAGSALITA na ang isa sa mga members ng all-female group na 4th Impact na si Mica Almira kaugnay sa isyung kinasangkutang isyu kamakailan.
Kasama ni Almira ang tatlo pa niyang na sina Mylene, Irene, at Celina sa grupo. Nakilala sila nang sumali sa talent competition na “X Factor UK” ngunit sa kasamaang palad ay hindi sila nagwagi sa naturang kompetisyon.
Kamakailan ay naging matunog ang 4th impact matapos silang maglunsad ng donation drive na naglalayon makalikom ng USD100,000 o mahigit anim na milyong piso para sa pagpapatayo ng dog farm para sa kanilang mga alagang shih tzu na hindi kasya sa kanilang bahay dahil sa dami.
Kaya naman agad na kinondena ng netizens ang grupo dahil sa kabila ng donation drive na gonawa nito sa GoFundMe ay ibinandera nila ang pagdalo sa “Eras Tour” ng American singer-songwriter na si Taylor Swift.
At makalipas ang ilang linggo ay nagsalita na nga ang isa sa 4th impact tungkol sa isyu.
“PLS STOP THE HATE and SPREAD LOVE..I will not let anyone stop our dreams..I will defend my group and my family ..my sisters are the most amazing humans i know,” sey ni Almira sa caption ng kanyang Instagram post.
Baka Bet Mo: 4th Impact binura na ang fundraising para sa ‘farm’ ng 200 aso
Kalakip nito ay ang screenshot ng kanilang paliwanag tungkol sa isyu.
Amin ni Almira, bagamat pinayuhan na sila ng mga mahahalagang tao sa kanilang buhay ay gusto pa rin niyang i-address ang isyu dahil hindi na maganda ang sinasabi ng ibang netizens.
“There’s no need to explain everything because I know it wont change the opinions of others but I feel like as an eldest of the group, I have to protect my sisters from the harm of cyberbullying,” sey ni Almira.
Sa isyu ng kanilang mga alagang shih tzu,, sinabi niyang namigay na raw sila ng kanilang mga alaga sa kanilang mga kaibigan na may kapasidad na mag-alaga.
At noong 2023 nga ay nagpunta na sila sa Los Angeles, California para tuparin ang kanilang pangarap matapos silang mapagbigyan ng working visa.
Nagpaliwanag rin sila sa isyu ng pagdalo nila sa concert ni Taylor Swift at sinabing ang dinaluhan nila ay ginanap sa Sofi Stadium sa Los Angeles, California at hindi sa Singapore at iniregalo lang raw ito ng kanilang tagahanga.
“We have the best fans in the world, they also bought us tickets to Renaissancr tour, Bruno Mars shoe and Katy Perry show in Vegas.. We even got our studio becoz of their enormous suppory in the live streams,” sey pa ni Almira.
Kaya naman nang ireklamo ng kapitbahay ang ingay ng kanilang mga alaga ay naisipan niyang gumawa ng donation drive para makapagpatayo ng dog farm para sa mga alagang shih tzus.
Kaya naman nang ma-bash sila ay agad nilang binura ang post sa website at ni-refund ang mga donasyon na kabilang natanggap.
Nagpakita pa si Almira ng resibo kung saan ibinalik nila ang donasyon ng nagngangalang “John Wingfield” na USD200.
Nakiusap rin si Almita na sana’y itigil na ang pambabatikos sa kabila dahil ang nais pang naman nila ay magpadaya ng tao.
“Pls STOP all hateful and harsh comments.. We will never QUIT and we will continue to pursue our dreams.. kahit mahirap .. Laban lang … Spread LOVE ….” pakiusap ni Almira sa madlang pipol.