Angeline Quinto ikakasal na kay Nonrev, buntis sa baby no. 2?

Angeline Quinto ikakasal na kay Nonrev, buntis sa baby no. 2?

IKAKASAL na ang Kapamilya singer at actress na si Angeline Quinto sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Nonrev Daquina.

Ang masayang balitang ito ay natalakay ng talent manager ar showbiz columnist na si Ogie Diaz sa kanyang vlog na “Showbiz Update”.

“Ikakasal na ang “Queen of Teleserye Songs” na si Angeline Quinto sa partner nitong si Nonrev Daquina,” panimula ni Ogie.

Mangyayari nga ang kanilang kasal ngayong darating na Huwebes, April 25 na naiulat na rin ng Pep.ph.

Baka Bet Mo: Angeline Quinto first time hindi naka-join sa Traslacion: ‘Medyo nalungkot ako’

Bilang parehong na deboto ng Nazareno, napgdesisyunan nina Angeline at Nonrev na sa Quiapo Church ganapin ang kanilang kasal.

Chika pa ni Ogie, “Mga bigatin ang mga ninong at ninang sa wedding at kasama na raw dyan si Manila Mayor Honey Lacuna at ilang bossing ng ABS-CBN.”

Unang nagkakilala sina Angeline at Nonrev noong March 2020 sa pamamagitan ng kanilang common friend.

Una raw nakita ng Kapamilya singer si Nonrev sa videocall at nabighani ito agad sa smile ng lalaki at nasundan na ito ng group date sa isang restaurant.

Makalipas ang dalawang taon ay isinilang ni Angeline ang kanilang panganay na anak na si Baby Sylvio.

Bago pa sila magkakilala ay may tatlo nang anak si Nonrev sa ibang babae.

Ngunit kahit papunta na sa next level ang relasyon nina Nonrev at Angeline ay hindi pa rin sila nakakatakas sa intriga lalo na sa usaping pera.

Sey ni Ogie, “Madalas kasing akusahan si Nonrev na pera lang ang habol nito kay Angeline pero ilang ulit na rin itong itinanggi ni Angeline.”

Bukod sa masayang balita ng kanilang kasal, may chika ring nagdadalang tao si Angeline.

“Samantala, balita ring buntis si Angeline sa 2nd baby nila ni Nonrev kaya magkakaroon na ng kapatid si Baby Sylvio. Kung totoo man ito, congratulations Angeline at Nonrev!” pagbati pa ni Ogie.

Wala pa namang inilalabas na kumpirmasyon ang Kapamilya singer ukol sa chikang pagbubuntis.

Bukas naman ang BANDERA para sa paglilinaw ni Angeline tungkol sa chikang pagkakaroon ng baby no. 2.

Read more...