VIRAL ngayon ang Facebook post tungkol sa isang babaeng nagrereklamo dahil tila hindi kayang ibigay ng kanyang dyowa ang inaasam na dream wedding.
Mababasa ang mahabang hugot ng “anonymous uploader” sa FB page na “Preach It” kung saan dismayado siya sa kanyang boyfriend na breadwinner daw ng kanilang pamilya.
Ang guy daw ang talagang bumubuhay sa kanyang pamilya at lahat ng suweldo nito ay napupunta sa mga magulang. Ang ending, hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nakakapag-save.
Kaya ang feeling ng girl ay hindi pa ready ang dyowa niya na magpakasal sila at bumuo ng sariling pamilya. Tinanong nga raw niya ang boyfriend kung may plano na itong lumagay sa tahimik.
Baka Bet Mo: Pia sinagot ang tanong kung hanggang kailan dapat magbigay para sa pamilya
Havey naman daw, pero baka hindi muna sa simbahan. Hanggang civil wedding pa lang daw ang kaya ng guy.
Sinabi naman ng female uploader na pwedeng siya muna ang gumastos sa kasal nila dahil may ipon na siyang P500,000 na feeling niya ay sasapat na sa kanilang dream wedding.
“E, ayaw naman niya, wag raw ako gumastos ng malaki and hahatian naman raw niya ako, wag lang ganun kalaki. Eh ganyan naman na talaga ung normal range ng gastos sa kasal eh?” ang nakasaad pa sa post ng girlalu.
“I was a little disappointed kasi pangarap kong magkaroon ng magandang kasal. Maybe hindi kami aligned ng goals ng partner ko. But he is really a loving and caring partner kaya I am also blessed to have him in my life,” aniya pa.
“In my situation, hindi ako breadwinner, may ipon ako, financially stable. May sariling bahay at kotse. Kaya gusto ko na talaga magkaroon ng sariling pamilya,” sabi pa ng uploader.
Inamin naman niya na nagdadalawang-isip na siyang ituloy ang kasal pero mahal pa rin niya ang dyowa, “Pero ayokong maging toxic towards him. Maybe he deserves someone na maghihintay kahit gaano katagal.”
Sandamakmak na reaksiyon ang nakuha ng naturang post – may mga kumampi sa girl at meron ding kumontra. Narito ang ilang comments.
“As a single woman with that dream of yours, keep it. Make it happen. It could mean that you can convince him still, or if not, you could eventually find someone else to do that dream with.”
“Bigyan mo ng ultimatum.. Bigyan mo ng ilang taon para Tapusin ang obligasyon sa family nya.. (Kung kaya mo pa maghintay at Kung mahal ka talaga) balikan mo ako pag ready kana at kung single pa ako ibig sabihin hinintay pa kita kamo.”
“I understand the Girl. Pero focus on long term financial stability. That 500k can start a business. Madami dyan maganda ang wedding ceremony pero nag hiwalay padin. Pinaka importante padin dyan ung ugali ng partner mo. Mas mang hihinayang ka mawala ung partner na mabuting tao.”
Baka Bet Mo: Veteran actor todo-kayod pa rin, hirap nang lumakad at magmemorya
“You’re not his priority and I doubt that you’ll ever be hangga’t nandiyan ang family niya. That is difficult & may not be negotiable even after marriage. My advice is, don’t settle for less. You deserve the best in life. Actually, you both deserve the best but maybe not together.”
“Both I and my husband are breadwinners but my husband has more responsibilities than I do. He has to provide for his family more than I do. I have to keep up with him and remind him that there should be limitations.”
“Naaahhh know your worth. Lahat tayo able na mag mahal pero hindi lahat ng guy maibigay sayo yung deserve mo. Merong iba na kahit hindi mayaman pero kaya ibigay sayo yung mundong deserve mo. Basta ako I will walk away.”