Rico Blanco never nagselos sa SnoRene loveteam; favorite si Albie Casiño

Rico Blanco never nagselos sa SnoRene loveteam; favorite si Albie Casiño

Maris Racal, Rico Blanco at Anthony Jennings

NEVER nagselos o na-offend ang OPM rock icon na si Rico Blanco sa sikat na sikat na tambalan nina Maris Racal at Anthony Jennings.

In fairness naman kasi sa SnoRene, ang  pinagsamang pangalan ng karakter nina Maris at Anthony sa Kapamilya hit series na “Can’t Buy Me Love” bilang sina Snoop at Irene, talagang lumebel din sila sa lead stars ng serye na sina Donny Pangilinan at Belle Mariano.

Baka Bet Mo: Rochelle aminadong selosang misis, Arthur kalmado lang: ‘Bakit lahat ng pictures, magkatabi kayo, ano ‘to?’ May ganu’n ako

Sa naganap na finale mediacon ng “Can’t Buy Me Love” last Thursday, April 11, parehong feeling thankful and grateful sina Maris at Anthony sa tinatamasang kasikatan ng kanilang loveteam.


“Thankful ho talaga kami sa Star Creatives, sa show, sa mga nag-isip, sa mga nag-conceptualize, sa naka-isip na i-pair kami kasi thankful ako na dahil doon nakilala ko si Anthony,” simulang chika ng dyowa ni Rico.

“Sobrang sarap katrabaho (ni Anthony). Sobrang sarap ka-eksena and finally nakahanap din ako ng ka-eksena na sobrang well-connected.

“And alam namin kung saan namin gusto dalhin yung eksena. We are just having fun kung saan namin dadalhin yung eksena,” dagdag ng dalaga.

Para naman kay Anthony, “Overwhelmed din ako. Actually, speechless nga ako sa unexpected ng sa amin ni Maris.

Baka Bet Mo: Si Maris Racal nga ba ang nagparamdam kay Rico Blanco?

“Nagpapasalamat din ako sa lahat ng bumuo ng mga eksena namin, sa lahat ng sumuporta sa amin at sumakay sa lahat ng trip namin ni Maris kung paano namin gusto ipakita si Snoop at Irene sa kanila.

“Nagpapasalamat din ako of course kay Maris kasi si Maris ano siya eh professional siya sa trabaho niya and ganoon din naman ako of course and nandoon naman yung paggalang namin sa isa’t isa and sa personal lives,” aniya pa.


Pak na pak ang mga pakilig at bardagulan moments nina Maris at Anthony kaya naman naging instant favorite sila ng mga manonood.

“For me, bilang si Irene Tiu, unang-una noong in-offer itong role na ito sa akin, I was so happy kasi bagong role, hindi ko pa ito nagagawa, maarte, kikay kaya sabi ko ibibigay ko lahat ng kaartehan ko sa character,” pag-amin ni Maris.

“Natuwa ako sa results ng story and all, doon ko narealize na sa bawat eksena na binibigay sa inyo, ibigay mo talaga lahat ng best mo.

“Ibigay mo yung one hundred percent mo even more than that kasi, you’ll never know ano mangyayari because of that,” dagdag ng aktres.

Pagpapatuloy pa niya, “I’m very happy sa lahat ng surprises na hatid ng show na ito para sa akin at para sa aming lahat. Everything was so unexpected though we were told na it was kinda planned, but we are happy about the result and ineenjoy namin lahat iyon.

“And Si Rico naman, he’s so supportive. Super fan siya ng show especially sa Tiu Family and yung mystery.

“Favorite niya si Albie (Casiño), the best daw, the best daw sa show and natutuwa din siya sa amin ni Anthony,” sey pa ng aktres.

Sey naman ni Anthony about his character, “Kay Snoop, mahal na mahal ko yung character na iyon, hindi ko siya mabibitawan. Yung nabuo naming samahan, yung Binondo brothers. Feeling ko kahit tapos na yung show, after nito, babalik at babalik pa rin si Snoop sa akin.”

Tutukan ang marami pang plot twist sa kuwento ng “Can’t Buy Me Love” na mapapanood sa lahat ng ABS-CBN platforms.

Read more...