Kaye, Kylie magkaiba ang pananaw sa pakikipag-friends sa mga ex-dyowa

Kaye, Kylie magkaiba ng pananaw sa pakikipag-friends sa mga ex-dyowa

Kylie Verzosa at Kaye Abad

IBANG-IBA ang pananaw ni Kaye Abad sa paniniwala ng beauty queen-actress na si Kylie Verzosa patungkol sa usapin ng mga ex-dyowa.

Para kasi kay Kylie, “I don’t believe exes should be friends. Respeto rin sa bago mong partner at sa bago niyang partner. Ako, you can be civil, pero hindi kayo ‘yung nakikipag-usap na ‘hi, how are you. Kumusta ka na?’

“To me, medyo weird ‘yun pero you can be civil. Pwedeng you don’t have any bad feelings against each other but I don’t think there should still be a friendship kasi bakit pa?” ang pagpapakatotoo ni Kylie.

Baka Bet Mo: Boy Abunda: Natawag na ako ng bobo, pangit, laos, hindi marunong mag-interbyu…lahat iyan masakit!

Ngunit para naman kay Kaye, exes can be friends tulad ng nangyari sa kanila ng dati niyang boyfriend, ang bokalista ng Parokya ni Edgar na si Chito Miranda.

“We broke up na magkaibigan kami. He even invited me sa wedding niya. I invited him also sa wedding ko,” pahayag ni Kaye sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda.”


Sey pa ng aktres, posible talaga ito lalo na kung okay ang breakup ng magdyowa, “Mahinanon (akong) nakipag-break sa kanya.

Baka Bet Mo: Coco sinigurong magkaiba ang atake sa Batang Quiapo at Probinsyano: ‘Kailangan nating makipagsabayan sa international’

“Sa amin kasi ni Chito, nagkaintindihan na it’s better this way. It’s better na maging friends kami, and na-maintain namin yung friendship,” aniya pa.

Sa katunayan, nagkikita pa rin sila ni Chito sa mga shows ng Parokya ni Edgar, “Kinuha pa nga siya ni Paul Jake sa Cebu for a gig, and we watched his gig.”

Super happy na si Kaye sa pagsasama nila ng kanyang asawang si Paul Jake Castillo habang maligaya na rin si Chito sa piling ng kanyang misis na si Neri Naig Miranda.

Read more...