Sexual assault: Paano nga ba maiiwasan ng mga kababaihan?

Sexual assault: Paano nga ba maiiwasan ng mga kababaihan?

Paano iiwas sa sexual harassment o panghahalay?

Trigger warning: Naglalaman ng sexual harassment at panggagahasa

NAGING malaking balita nitong nagdaang linggo ang tangkang panghahalay umano sa “It’s Showtime” mainstay na si Cianne Dominguez.

Nahuli at nearesto na ang suspek at kasalukuyan pa ring nakakulong sa Quezon City Police District station.

Inamin ng suspek na totoong sinundan niya si Cianne sa condo unit nito dahil nagandahan siya sa dalaga kaya humingi siya ng halik.

Na-trauma raw si Cianne sa nangyari, ayon mismo sa kanyang tatay na siyang nagbalita sa naganap na insidente sa pamamagitan ng kanyang social media account.

Baka Bet Mo: Ama ni Cianne nanggigil sa basher na pinapaalis ang anak sa ‘It’s Showtime’

Naglista kami ng ilang paraan kung paano maiwasan o labanan ang tangkang pangre-rape o panghahalay at pambabastos base sa artikulo ng Hesperian Health Guides at ilang paalala ng Philippine National Police (PNP).

Ayon sa mga eksperto, nakabatay ang magagawa ng isang babae kung gaano niya kakilala ang taong magtatangka sa kanga; gaano katindi ang takot niya; at gaano kalaki ang kinakaharap na panganib.


Kung mabiktima man ng rape ang isang babae, hindi ito dahil sumablay o nagkulang siya sa pag-iwas o pagtatanggol sa kanyang sarili kundi ginamitan siya ng dahas at puwersa ng taong di hamak na mas malakas sa kanya.

Protektahan ang sarili

*Hangga’t maaari, huwag maglakad sa madidilim na kalsada nang mag-isa.  Kung hindi talaga maiiwasan, lumakad nang taas noo nang magmukhang matapang.

*Laging ipaalam sa mga magulang o kapamilya kung saan ka pupunta.

*Huwag magtiwala sa mga taong nakilała lamang sa internet o social media.

*Iwasang magpakalasing kapag nasa gimikan lalo na kung may kasamang bagong kakilala.

Halos karamihan sa mga rapist ay naghahanap ng babaeng mukhang mahina at madaling biktimahin.

*Kung feeling mo ay sinusundan ka, maglakad sa ibang direksyon. Pwede ring lumapit sa ibang tao, bahay o tindahan. At kung nakaipon ng lakas habang naglalakad, harapin mo siya at tanungin kung ano bang kailangan niya.

Baka Bet Mo: Michelle Madrigal biktima ng sexual at child abuse sa loob ng ilang taon

*Laging magdala ng pangdepensa sa sarili. Magbaon ng silbato o pito para makagawa ng ingay. Maaari ring magbitbit ng kahit anong uri ng pamalo, pang-spray sa mata o kahit na anong mahapding bagay tulad ng paminta o chili powder.

*Sumigaw nang pinakamalakas na kaya mo sakaling lapitan ka na ng suspek. Kapag nakahanap ng pagkakataon, saktan mo na siya at mabilis na tumakas.

*Huwag papasukin sa bahay ang sinumang magpapakaba o magpaparamdam sa iyo ng takot o pag-aalinlangan kahit na kilala mo pa ito. Kung nag-iisa, huwag itong ipaalam sa kanya.

Karaniwan sa mga kaso ng panghaharas at panggagahasa ay kakilala ng biktima ang suspek. Kaya narito ang ilang paraan para makaiwas sa mga ganitong insidente.


Palaging magtiwala sa iyong instinct

Kung iba na ang pakiramdam habang kausap o kasama ang mga kakilala, umiwas at magpaalam agad na parang wala lang, para hindi sila magduda.

Narito ang ilan sa mga karaniwang nararamdaman ng isang tao kapag may nakaambang panganib.

*May feelings ka na parang hindi tama at tila may mali sa sitwasyon.

*Bigla kang nakaramdam ng kakaibang uri ng takot na para bang gusto mo nang umalis at iwan ang kausap o kasama mo.

*Feeling uncomfortable ka na sa takbo ng usapan n’yo dahil may mga malalaswang bagay na siyang sinasabi.

*Hindi mo nagugustuhan ang pagdikit ng kanyang katawan o paghawak niya sa yo.

Sa mga ganitong sitwasyon, agad na sabihan ang kausap at kasamang tao na hindi ka komportable sa mga sinasabi at ginagawa niya at kung hindi niya ito pakikinggan, lumayo at unalis ka na.

Read more...