LTFRB may ‘libreng sakay’ kasabay ng transport strike sa April 15

LTFRB may 'libreng sakay' kasabay ng transport strike sa April 15

MAY handog na libreng sakay ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ngayong Lunes, April 15.

Ito ay para sa mga commuter na maaapektuhan ng transport strike.

Ang anunsyo ng LTFRB ay matapos ipahayag ng transport groups na magpapatuloy sila sa serye ng mga welga simula sa nasabing petsa upang ipakita ang hindi pagsang-ayon sa itinakdang Public Utility Vehicle (PUV) franchise consolidation deadline sa darating na April 30.

Baka Bet Mo: LTFRB: Mag-ingat sa ‘modus’ na nagpapanggap na TNVS

“The LTFRB will adhere to its standard operating procedure by coordinating with relevant government agencies and LGUs should a transport strike push through,” saad ng ahensya sa inalabas na pahayag.

Dagdag pa, “Rest assured, ‘Libreng Sakay’ vehicles will once again be dispatched to assist affected commuters.”

Pinaalalahanan na rin ng LTFRB ang jeepney operators na mag-consolidate na bago ang nalalapit na deadline para maiwasang mabawi ang kanilang prangkisa.

Higit pa rito, hinimok din ng government agency ang mga kasali sa transport strike na huwag pigilan ang ibang jeepney driver na mag-operate.

Read more...