KASALUKUYAN nang nagpapalakas ang K-Pop star na si Winter mula sa girl group na aespa matapos sumailalim sa surgery dahil sa “pneumothorax” o collapsed lung.
Kinumpirma ito mismo ng kanyang talent agency na SM Entertainment sa pamamagitan ng inilabas na pahayag noong Biyernes, April 12.
“Winter recently underwent surgery for pneumothorax and is currently recovering,” sey ng ahensya.
Dagdag pa, “As [pneumothorax] is a condition prone to recurrence, [the surgery] was carried out as a preventive measure in accordance with her doctor’s opinion, and the decision was made after plenty of discussion.”
Ayon sa Mayo Clinic, ang nasabing kundisyon ay nangyayari kapag ang hangin ay lumalabas sa pagitan ng baga at dibdib.
Baka Bet Mo: Miles Ocampo ‘cancer-free’ na matapos ang thyroid surgery, pero…
Dahil diyan, itinutulak nito ang baga papalabas na nagsasanhi ng pagka-collapse o pagbagsak ng buong lungs o bahagi lamang nito.
Pero sa sinapit ni Winter, hindi itinukoy kung ano ang kaso sa nangyari sa kanya.
“Regarding her future schedule, we will consider Winter’s recovery status our top priority moving forward,” pahayag pa ng SM Entertainment.
Ang iba pang miyembro ng aespa na sina Karina, Giselle at Ningning ay inaasahang maglalabas ng comeback album sa darating na Mayo.
Maliban diyan, nakatakda ring magkaroon ng second world tour ang grupo na tinawag na “Synk: Parallel Line” sa Hunyo.
Ang girl group ay sikat sa mga kantang “Next Level,” “Black Mamba,” “Savage,” at marami pang iba.