LALONG pinainit ng BTS member na si Kim Taehyung o mas kilala bilang si V ang summer season!
Paano ba naman kasi, sinorpresa niya ang fans matapos mag-post ng bagong life update.
Sa pamamagitan ng Instagram Stories, ibinandera ni V ang ilang mirror selfies na kitang-kita ang pagiging “buff” ng kanyang katawan.
Marami ang kilig overload dahil lalong naging hot at mas pumogi ang Korean idol.
Baka Bet Mo: BTS V, Blackpink Jennie hiwalay na, ayon sa mga ulat
Bukod diyan, may mensahe pa si BTS V para sa kanyang supporters at mga tagahanga.
Kinamusta muna niya ang fans at tiniyak na mabuti ang kanyang kalagayan sa military service.
Ibinunyag niya rin na nasa 75 kilograms na ang kanyang timbang dahil madalas na raw siyang mag-workout.
Narito ang kanyang mensahe na naka-translate sa Ingles, “Army, how are you all? I work out regularly and wear cool clothes.”
“The training has been going great. I came out for a short break and spoke to my friends about you. I weigh 75 kg now, thanks to a hard workout. My troopers are feeling great,” wika niya.
Ani pa niya, “I have to work harder and I will. Bye!”
Nag-post din siya sa global fan communication platform na Weverse at ibinandera ang picture ng kanyang hubad na likod na may mga sugat.
Caption niya, “Wounds of glory.”
BTS WEVERSE FEED/MOMENT V/TAEHYUNG 240412
TH: wound of glory pic.twitter.com/AHqdGgQRZe
— Sel⁷ (@BTStranslation_) April 12, 2024
Base sa report ng ilang Korean media outlets, si V ay kasalukuyang sumasailalim sa training ng elite Special Forces sa Military Police division.
Kung maaalala, sabay na inumpisahan ni Taehyung at BTS leader na si RM ang kanilang enlistment sa mandatory military service sa South Korea.