NAG-IYAKAN ang halos lahat ng cast members ng Kapamilya series na “Can’t Buy Me Love” sa naganap na finale presscon kahapon, April 11.
Ngayon pa lang ay inaatake na sila ng sepanx o separation anxiety sa nalalapit na pagtatapos ng kanilang teleserye na tumagal din ng halos isang taon.
Parang tunay na pamilya na raw kasi ang naging turingan ng buong and production ng “Can’t Buy Me Love” kaya hindi pa man natatapos ang pag-ere ng show ay nami-miss na nila agad ang isa’t isa.
Ilang beses umiyak ang lead stars ng serye na sina Belle Mariano at Donny Pangilinan habang sinasagot ang mga tanong ng press tungkol sa mga naging experience at mga life lesson na natutunan nila sa “Can’t Buy Me Love.”
Ayon sa magka-loveteam, habangbuhay nang nakatatak sa isip at puso nila ang kanilang mga karakter bilang sina Bingo at Caroline.
Kaya naman sa pagtatapos ng serye, abangers na ang lahat kung ano ang magiging ending ng kanilang love story at kung sino nga ba ang totoong pumatay sa nanay ni Caroline na ginampanan ni Shaina Magdayao.
Pagbabahagi ni Belle, “Talagang pinagdaraanan ko along with her (Caroline). As in araw-araw kinukwestyon ko sa sarili ko ‘sino ba pumatay sa nanay ni Caroline.’
“So ‘yun, so ang dami talaga and the story itself talagang while reading the script talagang nadadala ako,” aniya pa.
Nagpasalamat din siya kay Donny dahil mula sa simula hanggang sa ending ay todo alalay ang aktor sa mga eksena nila lalo sa mabibigat at intense scenes.
“He’s always there lang. He’s gonna check up on me whenever I do a big scene kasi nakikita niya ‘yun sa sequence guide, kung gagawin ko ba.
“Kunwari may breakdown scene ba akong gagawin, iiyak ba, may big scene bang gagawin si Caroline, makikita ko na lang magme-message siya sa akin, magte-text ‘o kumusta? How’s your scene? Are you still on call?’
“Kunwari magkaiba kami ng lugar. So thank you. Thank you for checking up on me,” chika pa ni Belle.
Kasunod nito, kumawala na ang pinipigilang luha ng dalaga, “Pinipigilan ko ‘yung luha ko, sabi ko ‘wag kang tumulo, ‘wag kang tumulo.’ I’ve always had conversations with Direk (Mae Cruz) about Caroline.
“I remember dito sa hallway na ‘to (Seda Hotel), we did the first scene kay Caroline na kinakapa namin ‘yung character ko kasi I’ve never done a character like this na stoic, grabe ‘yung power niya. Sabi ko ‘direk, paano? Paano ko siya mamahalin?’
“Pero si Direk nandu’n siya every step of the way with me to discover more about character, not just my character with myself.
“Like I would say, Caroline is really etched in my heart na, not just because of Caroline, but because of everyone here, so I’ll always be grateful that I’m part of this journey.
“You know, to always leave a mark and I think Caroline, siya ‘yung isang tao, character sa buhay ko na ‘di mawawala,” kuwento pa ni Belle.
Kaya abangan ang nalalapit na pagtatapos ng “Can’t Buy Me Love” na siguradong pag-uusapan daw ng viewers all over the universe ang magiging ending.