Niño natigil sa taping ng Batang Quiapo dahil sa namamagang pimple

Niño natigil sa taping ng Batang Quiapo dahil sa namamagang pimple

Niño Muhlach, Coco Martin, Ivana Alawi at Nikko Natividad

PANSAMANTALANG natigil si Niño Muhlach sa taping ng “FPJ’s Batang Quiapo” nitong Martes ng madaling araw matapos magkaroon ng emergency.

Ayon sa aktor, hindi niya natapos ang kanyang eksena sa “BQ” dahil hindi na niya masabi ang mga linya niya. Sobrang sakit daw kasi ng ilong niya dahil may pimple sa loob at namamaga na.

Kaagad siyang ipinadala sa hospital para mabigyan ng lunas pero hindi siya nagpasakay sa ambulansiya bagkus ay sumunod sila kung saan ito papunta.

Baka Bet Mo: Gabby Eigenmann: ‘Akala nila madali para sa mga anak ng artista ang mag-showbiz, grabe yung pressure!’

Base ito sa post ng aktor sa kanyang Instagram stories nitong Miyerkoles ng gabi.

“Guys andito ako ngayon sa kotse kasunod sa ambulansiya kasi nagso-shooting kami ng Batang Quiapo sobrang sakit na ng ilong ko dahil may tigyawat dito (sabay turo sa kaliwang butas) kaya pupunta kami ngayon ng hospital para pa-inject ‘yung tigyawat sa loob.

“Sobrang sakit talaga hindi ko na kayang magdayalog saka hindi na ako makaarte ng maayos sa sobrang sakit talaga kaya pupunta kami ng skin clinic.  Ambulansya namin ‘yan sa shooting,” kuwento ni Onin (palayaw ng aktor).


Base rin sa video post na ibinahagi ni Niño ay namamaga nga ang kaliwanag bahagi ng ilong niya.

Samantala, ilang oras lang ang nakalipas ay nag-post ulit si Niño para sabihing back to work na siya at pinasalamatan niya ang mga doktor na umasikaso sa kanya.

Kasama niya sa picture sina Coco Martin, Nikko Natividad at Ivana Alawi. Aniya, “Guys nakabalik na po ako dito sa shooting namin ng BQ thank you po Dra. Ortiz & Paul Ed Ortiz of Ortiz skin clinic.”

Baka Bet Mo: Bakit nga ba pumili ng mga social media influencers si Coco Martin na maging parte ng ‘Batang Quiapo’?

Anyway, masyadong seryoso ang mga  artista na binigyan ng karakter ngayon sa “FPJBQ” kaya siguro ipinasok sina Niño at right hand niyang si Neil Coleta bilang mga komedyante at nagmamay-ari ng resto bar ang una.

Sa kasalukuyan ay nangunguna pa rin sa ratings game ang “Batang Quiapo” at napapanatili rin nito ang mataas na concurrent viewers sa YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment.

Ang “FPJBQ” ay napapanood din sa ibang Kapamilya channel at TV5 handog ng Dreamscape Entertainment at CCM Productions.

Read more...