Lalaki naging asawa ang babaeng nasa litratong napulot

Lalaki naging misis ang babaeng nasa litratong napulot niya sa simbahan

Ervin Santiago |April 10,2024
facebook
share this

Lalaki naging misis ang babaeng nasa litratong napulot niya sa simbahan

Ervin Santiago - April 10, 2024 - 07:01 AM

Lalaki naging misis ang babaeng nasa litratong napulot niya sa simbahan

Noel at Angie Gonzales (Photos screengrab from Share Ko Lang)

KAPAG talagang itinadhana ang dalawang tao para sa isa’t isa,  gagawa at gagawa ng paraan ang universe para sila’y magkatagpo.

Ganyan ang nangyari sa mag-asawang Noel at Angie Gonzales na 30 years nang nagsasama at going strong pa rin hanggang ngayon ang kanilang pagsasama.

Pero knows n’yo ba na parang kuwento rin sa teleserye at pelikula ang kanilang love story na talaga namang nakakakilig at parang imposibleng mangyari sa totoong buhay?

Huli na nang malaman ni Noel na ang kanyang napangasawa ay ang babaeng nasa litrato na napulot niya ilang taon na ang nakararaan.

Naibahagi ng married couple sa digital show na “Share Ko Lang” na nagsimula ang kanilang kuwento nang mawala ang paborito niyang picture na napulot pala ni Noel.

Baka Bet Mo: Tadhana ni Fuschia Anne Ravena ang maging Miss International Queen—Rodgil Flores

“Nag-umpisa ‘yung aming kuwento of soulmates noong mapulot niya ‘yung aking litrato, two years before kami magkakilala,” pagbabahagi ni Angie.

First year high school daw siya nang kunan ang naturang photo na siyang favorite niya sa lahat ng mga litrato niya noon.


“Gandang-ganda ako du’n sa output. Nakaipit siya sa libro ko, pagkatapos, since gandang-ganda ako du’n.

“Siguro after a month na-realize ko, tiningnan ko ‘yung libro ko, aba wala ‘yung favorite picture ko, ‘yun na, wala na,” chika pa ni Angie.

At ito nga yung napulot ni Noel sa pinupuntahang simbahan noon, “Maganda eh, sabi ko, ‘Kapag nakita ko itong babaeng ito, pakakasalan ko ito.’

“Tapos, itinago ko na siya. Nawala na sa isip ko ‘yun. Nakalimutan ko na,” sey ni Noel.

“Siyempre kahit naman sinong lalaki kapag nakakita ng maganda. ‘Uy! Taga-saan kaya ito?’ Something like that. Lalo na ngayon sa mga social media, makikita mo maganda,” dagdag pa niya.

Baka Bet Mo: James sa Hollywood career ni Liza: Gagawa siya ng history bilang Filipina actress…and this is just the beginning

“Pero itong picture na walang daya kasi, walang filtering before. So, kung ano ‘yung picture na output nu’ng sa camera, siya ‘yun.

“Kaya intense agad. Kapag nakakita ko itong babaeng ito pakakasalan ko talaga ‘to. Tapos, that was it,” pagbabahagi pa ni Noel.

Fast forward: After 2 years, nawala na sa isip ni Noel ang babaeng nasa litrato. Hanggang sa makilala niya  si Angie sa simbahan nang sabay silang maging “server” doon.

Walang kamalay-malay ang dalawa na meron na pala silang koneksyon sa isa’t isa.

Sabi ni Noel sa itsura ni Angie, “Siguro, nag-iba nang kaunti, humaba ang buhok or whatever. Kumbaga nawala na sa alaala ko, but the picture’s still with me.”

Lumalim ang samahan nina Angie at Noel pero wala pa rin silang idea tungkol sa litrato hanggang sa magkadebelopan na nga sila at  magkaroon ng relasyon at naging mag-asawa.

Alam n’yo ba na more than 10 years na silang nagsasama as married couple nang malaman ni Angie na si Noel ang nakapulot ng nawala niyang litrato.

“Sa cabinet, habang kami ay naglilipat ng bahay, sabi ko, ‘Bakit nasa iyo ‘yan? Saan mo nakuha?’

“Napahinto pa ako nang matagal. ‘Oh my God, ito ‘yung picture na nawawala ko, na gustong gusto ko! Paano ito napunta sa iyo?'” ang shookt na chika ni Angie.

“Siya rin hindi niya alam, sabi niya, ‘Naku, napulot ko ‘yan, ikaw yan!’. So, nagkagulatan kami, ‘yung picture na ‘yun na napulot niya ay ako pala,” dagdag pa niya sa naturang panayam.

“Maybe we were meant to be. Siguro ‘yun ‘yung patikim na, sila-sila magkakatuluyan. Something like that.

“So, lalo na sa church kami nagkakilala. Sa church din ‘yan nawala eh, doon niya rin napulot,” pahayag pa ni Angie.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Maybe we’re meant to be, we’re soulmates, ganyan. So, now we’re turning 31 years na kaming married,” dagdag pa niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending