Speech ni Vice sa ‘Showtime’ kapareho raw sa litanya ni Darryl Yap?

Speech ni Vice sa 'Showtime' kapareho raw sa litanya ni Direk Darryl Yap?

NAPAG-USAPAN nina Nanay Cristy Fermin at Romel Chika sa “Cristy Ferminute” kanina sa Radyo 5 92.3 TRUE FM na ang speech ni Vice Ganda sa “It’s Showtime” ay kinopya raw kay Direk Darryl Yap.

“Si Vice hindi pa kumukibo kung kinopya niya ‘yung litanya niya kay direk Darryl Yap. Ang dami-dami, kalat na kalat na ‘yan sa mga diyaryo.

“Bakit hindi mo aminin at sa mga nagsulat ng speech mo na kinopya n’yo ang mga orihinal (at) litanya ni Direk Darryl Yap. Bakit walang umaangat sa inyo para magsabi ng, ‘hindi totoo ‘yan! Nagkapareho lang kami ng mga pahayag,” diretsong sabi ng “CFM” host.

May nakausap naman kaming writer din ng mga programa na baka nagkataong pareho lang ang thought ng speech ni Vice sa ginawa ni direk Darryl.

“Minsan kasi kapag may nababasa tayong maganda, nasa utak natin ‘yun.  Kaya kapag nagsusulat ka minsan maalala mo ‘yung nabasa mo, pero hindi naman saktong-saktong yung ginamit na salita do’n sa nabasa mo, hindi maiiwasan na nagkakapareho ng ibig sabihin,” sey ng kakilala naming magaling na writer ng mga reality shows.

Baka Bet Mo: Vice Ganda nakipag-‘dinner date’ sa big bosses ng ABS-CBN, GMA

 

Samantala, pinatotohanan din ni Romel Chika na nanghihingi raw si Vice ng jokes sa mga dati nitong kasamahan sa comedy bars at nagbabayad ng isang libo sa bawa’t joke ang TV host-actress-producer.

Sabi ni ‘Nay Cristy, “Kung hindi pa namin alam Vice Ganda humihingi ka rin ng ibabato mong jokes sa mga kasamahan mo dati sa comedy bars, magkano ang bayaran Romel magkatuusan na tayo? Magkano ang bayaran sa mga kasamahan mo ang bawa’t joke na ibibigay kay Vice?”

Nakasama kasi ni Vice si Romel sa comedy bars bilang stand-up comedian noong hindi pa napupunta sa telebisyon at pelikula ang tinaguriang The Unkabogable Star.

Sagot ni Romel Chika, “Ang sabi 1 thousand daw per joke. Ha-hahaha!”

“Ayun! Tinamad din itong si Vice at saka ‘yung mga tagasulat niya ng speech, bakit hindi ninyo ngayon kontrahin ang dami ng nagpapatotoo?” sey ni ‘Nay Cristy.

May mga CFM’ers ding nagsabing plagiarism ang ginawa ni Vice na sinang-ayunan naman ni ‘Nay Cristy.

Bukas ang BANDERA sa panig nina Vice Ganda at Darryl Yap tungkol sa isyung ito.

Read more...