Showtime hanggang December, 2024 lang ang kontrata sa GMA? | Bandera

Showtime hanggang December, 2024 lang ang kontrata sa GMA?

Reggee Bonoan - April 09, 2024 - 03:50 PM

Showtime hanggang December, 2024 lang ang kontrata sa GMA?

NASULAT namin dito sa BANDERA na bibigyan ng tatlong buwang taning ang “It’s Showtime” sa GMA 7 para mapataas ang ratings ng noontime show.

Nagtagumpay sa unang episode nitong Abril 6, Sabado, ang programa ng ABS-CBN dahil inilampaso nito ang katapat na programang “Eat Bulaga” sa TV5.

Nabanggit pa naming bakit hindi gawing anim na buwan hanggang isang taon ang taning sa “Showtime” para naman mabigyan ng sapat na panahon ang programa na makaalagwa.

At dahil nga winner sa ratings game ang “It’s Showtime” sa special episode nito nitong Sabado, Abril 6, kung saan nakakuha ito ng 9.6% habang 4.4% naman ang “Eat Bulaga”, kaya siguro pagbibigyan na ang Kapamilya show hanggang sa Disyembre, 2024.

Ito ang bagong sitsit ng aming source sa Kapuso network at ito rin ang ibinalita nina Nanay Cristy Fermin at Romel Chika sa programa nilang “Cristy Ferminute” kaninang tanghali sa 92.3 Radyo 5 TRUE FM.

Baka Bet Mo: Eat Bulaga ng TVJ pinadapa ng It’s Showtime sa unang pag-ere sa GMA

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Sabi ni ‘Nay Cristy, “Ito po totoong-totoo may nakuha kaming kuwento, gaano po katotoo question mark po ito ah, na ang kontrata sa pagitan ng Kapamilya (channel) at Kapuso (network) tungkol dito sa It’s Showtime bilang bandera nilang noontime show ay hanggang sa Disyembre (2024) lang?

“Meron po itong usapan na kailangan nilang bantayan ang kanilang ratings dahil kapag hindi ang kanilang Disyembre (sa ere) ay hanggang Disyembre na lang,” sabi pa.

“Ahhh, may taning pala sila,” sabi naman ni Romel Chika.

Samantala, base rin sa report ng “CFM” ay umalma raw ang supporters ni Marian Rivera sa sinabi ni Vice Ganda na siya ang may hawak ng titulong reyna ng GMA dahil sa ginawa nitong pag-upo sa logo ng Kapuso network na nasa building nito.

Katwiran pa na homegrown talent ng GMA si Marian at samantalang si Vice kabilang ang co-hosts nito ay nakikisukob lang daw Kapuso network.

Collaboration ito ng ABS-CBN at GMA 7 at masasabing nagkakatulungan dahil bakante ang noontime slot ng Kapuso network sa pagkatsugi ng “Tahanang Pinasaya” kaya ipinasok ang “It’s Showtime” na mapapanood naman sa free TV dahil nga nawalan sila ng prangkisa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kaya win-win ang ABS-CBN at GMA dahil sanib-puwersa sila na mapataas ang ratings ng noontime slot ng huli at ang una naman ay kailangan nila ng tahanang mapapanood sila sa free TV.

‘Yun lang kailangan laging panalo sa ratings game ang “It’s Showtime” para hindi lang sila hanggang Disyembre, 2024 kundi hanggang tinatangkilik sila ng advertisers at manonood sa GMA 7.

Gusto pa rin naming malaman ang panig ng “It’s Showtime” tungkol sa isyung ito, kaya bukas ang BANDERA sa kanilang panig.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending