Matapos ang kasal at honeymoon, JODI mabubuntus pa ni SIR CHIEF | Bandera

Matapos ang kasal at honeymoon, JODI mabubuntus pa ni SIR CHIEF

Julie Bonifacio - November 04, 2013 - 03:00 AM


Nilinaw ng mahusay na direktor na si Jeffrey Jeturian ang  tunay na dahilan ng pagkaka-pullout “Be Careful With My Heart” sa Metro Manila Film Festival ngayong Disyembre.

Si Jeffrey ang direktor ng top-rating morning drama series ng ABS-CBN. “Kasi hindi kaya ng schedule  ng mga artista. Kasi ‘yung sa TV namin hand-to-mouth kami, e.

Wala kaming pondo for airing. So, in the end nag-decide na ang management na instead na mag-suffer ‘yung dalawa, I mean, ‘yung movie at ‘yung TV,  pumili na lang ng isa na aalagan at hindi mako-compromise,” lahad ni Direk Jeffrey.

Nakatsikahan namin si Direk Jeffrey sa Nuvali Short Film Competition/Outdoor Cinema sa Nuvali, Laguna kung saan ipinalabas ang  Cinemalaya film niya na “Ekstra.” Isa rin siya sa nag-judge sa mga sumali sa short film competition with co-directors  Paul Soriano and Jade Castro.

Nagwagi sa Professional Category ang “Pare Koi” ni Marco Subido, runner-up naman ang “Hello Goodbye” ni Zoraya Lua. Winner naman sa Novice Category ang “Bugtong” ni Dorina Naraval at runner-up ang “Jose Pedal” ni Athena Mendoza.

Ang grand winner per category ay magkakaroon ng scholarship grant for advance course in motion picture  production. Habang ang napiling runner-up ay bibigyan ng scholarship for basic course in motion picture production.

Going back sa “Be Careful,” okey lang sa kanya na pumasok at hindi sa MMFF. “Sa akin pareho, e, either way. Kung ituloy ang  movie kasi exciting naman dahil ang dami ngang nanghihinayang kasi sabi nila potential  na number one, ‘di ba?

Kung natuloy, okey lalaban. Pero kung hindi  natuloy, okey din kasi ‘yung kakayanin ng mga artista, ‘yung kakayanin ng director,  ‘yung daily na routine.”

It could have been Direk Jeffrey’s second time na mapasama ang pelikula niya sa MMFF. Ang una niyang pelikula sa MMFF ay ang “Bridal Shower” produced by Seiko Films.

“In a way disappointed ako kasi exciting ‘yung ano, e, may entry ka sa filmfest. Kasi nu’ng sa ‘Bridal Shower’ natuwa rin ako dahil lumalaban din siya sa box-office.”

Hindi pa raw matatapos this year ang Be Careful With My Heart. And so far, mataas pa rin daw ang rating nila kahit malakas din ang katapat nilang programa sa GMA 7.

“Consistent naman  kami. Maintained ‘yung rating. So, hindi naman masyadong naapektuhan ng  katapat naming.”
After the wedding this month, abangan next year ang honeymoon nina Maya at Sir Chief.

Next year din daw mabubuntis at manganganak ang karakter ni Jodi sa serye.  Pero kahit daw ‘di natuloy this year sa MMFF ang  movie version ng Be Careful With My Heart, hindi naman daw binibitiwan ng management ang plano na  isapelikula ang kanilang teleserye.

“Hindi ko alam kung kailan. Pwedeng sa regular run or sa filmfest,” sambit ni Direk Jeffrey. Kung siya ang tatanungin, best date raw naipalabas ang movie version ng “Be Careful With My Heart” on Valentine’s Day.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to Google )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending