HINDI na nakatiis ang isa sa hosts ng “It’s Showtime” na si Teddy Corpuz sa epal na bashers na sinisiraan ang kanilang noontime show.
‘Yan ay isang araw matapos ang makasaysayan pilot episode ng noontime show sa GMA Network.
Sa pamamagitan ng X (dating Twitter), inihayag ni Teddy ang kanyang saloobin at pinagsabihan ang haters.
“‘Yung pinag-aaway niyo kami, pero bakit ‘di nalang tangkilikin parehas? Yes may competition… minsan talo, minsan panalo. Parehong gumagawa at nagnanais mapasaya kayo,” caption niya.
Baka Bet Mo: Teddy Corpuz sa mga naglalabas ng ‘resibo’ sa socmed: Panget ka-bonding!
“Focus ka sa tv mo at ‘wag sa tv ng kalaban mo,” mensahe pa ni Teddy sa bashers.
Yung pinag aaway nyo kami, pero bakit di nalang tangkilikin parehas? Yes may competition… minsan talo, minsan panalo. Parehong gumagawa at nag nanais mapasaya kayo. Kung di ka masaya sa isa, eh di dun ka sa kabila at wag ka na lang manira. Focus ka sa tv mo at wag sa tv ng…
— zndɹoƆ ʎppǝ⊥ (@teddspotting) April 7, 2024
Maraming netizens at fans naman ang sumang-ayon sa sinabi ni Teddy at inihayag din ang kanilang reaksyon.
Narito ang ilan sa mga nabasa namin:
“Tama lahat ng sinabi mo Kuya Ted. Maaaring nasa isang kumpetisyon kayo pero lagi dapat binabalikan yung end goal… MAPASAYA ANG PILIPINO. As a solid Dabarkad, I am happy with Showtime. Mas marami, mas masaya.”
“True po pag ayaw sa isa doon nalang sa kabila ‘yun lang para happy happy lang [red heart emojis] we love you showtime family”
“Agreed, I’m a Showtime fan but I also love to watch Eat Bulaga pa rin naman kasi aminin naging part din ng childhood natin ang Eat Bulaga eh. It’s up to you nalang talaga kung anong want mong panoorin.”
“Agree. Kung ‘di niyo trip ‘yung style ng ginagawa nila, ‘wag na naman siraan at i-insist ‘yung gusto nila. May freedom of choice naman to switch channel.”
April 6 nang umere ang grand debut ng “It’s Showtime” sa Kapuso network na dating tahanan ng “Eat Bulaga.”
Noong nakaraang buwan naman nang pumirma ng kontrata at nagkaroon ng historic collaboration ang GMA at ABS-CBN.
Nagkaroon pa nga ng motorcade ang mga bumubuo sa “It’s SHowtime” kasama ang big bosses ng ABS-CBN na sina Chairman Mark L. Lopez, President at CEO Carlo L. Katigbak, Chief Operating Officer Cory V. Vidanes, at Group Chief Financial Officer Rick B. Tan.
Mula Kapamilya compound ay binagtas nila ang ilang kalye sa Quezon City hanggang sa makarating sa building ng Kapuso Network.
Mainit silang tinanggap at sinalubong ng mga executive ng GMA Network na sina Chairman Atty. Felipe L. Gozon, President at CEO Gilberto R. Duavit, Jr., Executive Vice President at Chief Financial Officer Felipe S. Yalong, at Senior Vice President for Programming, Talent Management, Worldwide, and Support Group at GMA Films President at CEO Atty. Annette Gozon-Valdes.