Kylie sa viral video ni Anne Jakrajutatip: ‘It’s quite disappointing’

Kylie sa viral video ni Anne Jakrajutatip: ‘It’s quite disappointing’

Kylie Verzosa, Anne Jakrajutatip

NAGBIGAY na rin ng reaksyon si Miss International 2016 Kylie Verzosa kaugnay sa viral leaked video na sangkot ang co-owner ng Miss Universe Organization (MUO) na si Anne Jakrajutatip.

Sa isang interview with entertainment journalist na si MJ Marfori na ibinandera sa TikTok, inamin ni Kylie na nadidismaya siya sa nangyari, lalo na’t naniniwala siya na ang pageants ay isang platform para sa mga kababaihan na ipaglaban ang kanilang mga adbokasiya.

“For me, it’s quite disappointing because when I join an organization, I really truly believe in the platform and what it truly stands for,” sey ng beauty queen turned actress.

Paliwanag pa niya, “Not just for show but who they are, because my advocacy is totoo sa’kin and that’s what I [really] stand for.”

Baka Bet Mo: Kylie Verzosa ‘self-love’ ang goal sa 2024, sinagot kung bakit siya ‘skinny’

Tulad ng ilang beauty queens, tila sumama ang loob ni Kylie sa mga sinabi ni Anne sa leaked video.

“I joined to be truthful and very honest as well. I do agree with some queens that it’s very disappointing and upsetting, and I hope they fix it. I hope the organization itself clarifies it,” sambit ng Miss International 2016 titleholder.

Sa kabila ng isyu, naniniwala pa rin ang aktres sa mga pageant bilang plataporma para maibahagi ng mga kababaihan ang kanilang mga adbokasiya sa mas malaking saklaw.

“I still believe it’s a good platform for women to showcase who they are. I want to keep that platform alive holistically and fight for a bigger cause talaga,” saad niya.

Si Kylie ang ika-anim na Pinay na kinoronahang Miss International matapos sina Bea Santiago (2013), Precious Lara Quigaman (2005), Melanie Marquez (1979), Aurora Pijuan (1970), at Gemma Cruz (1964).

Noong Pebrero nang kumalat ang video ni Anne habang nakikipagpulong kasama ang ilang executives ng organisasyon sa Mexico.

Mapapakinggan na sinabi ng Thai business mogul na isang “communication strategy” lamang ang pagpapasali niya sa tinatawag niyang “inclusion girls” na kinabibilangan ng transwomen, mga babaeng may asawa, mga plus-sized na babae at maging ang mga may edad na, pero wala siyang balak na ipapanalo ang mga ito.

Ngnit iginiit ni Anne na “manipulated” at edited ang nasabing video upang sirain ang kanyang reputasyon sa pageant community.

Read more...