NAUWI sa nakaka-traumang experience ang pagbisita ni Taylor Sheesh sa piyesta ng Bayambang sa Pangasinan.
Ito ay matapos siyang saktan ng isang lalaki habang siya ay nagpe-perform.
Kumalat pa nga sa social media ang isang screenshot na makikitang tila kinarate chop sa may leeg ang drag performer.
Sa X (dating Twitter), inamin ni Taylor Sheesh na “traumatic” ang nangyari sa kanya.
“This is traumatic. Literally. I’m shaking [right now],” sagot ng impersonator ni Taylor Swift sa isang netizen na nag-tweet ng: “GRABEEEE YUNG NANAKIT KAY TAYLOR SHEESH SA BAYAMBANGGGG. Ang ayos ayos na nagpeperform e.”
Baka Bet Mo: Pinay drag queen Taylor Sheesh umeksena sa Australian show na ‘Today’
This is traumatic. Literally. I’m shaking rn. https://t.co/e5ewdiXRwC
— Mac (Taylor Sheesh) (@heymacyou) April 6, 2024
Gayunpaman, lubos ang pasasalamat ng drag queen sa pagimbita sa kanya sa piyesta ng bayan.
“Despite of what happened last night, I just want to thank for the warm welcome Bayambang! [red heart emoji] Thank you to Mayor Nina Jose Quiambao for inviting us and to my fellow Swifties thank you thank you for coming! [red heart emoji] Happy fiesta! [red heart, smiling face with hearts emojis],” caption niya sa Facebook post kalakip ang video ng kanyang naging pagtatanghal.
Humingi naman ng sorry si Bayamabang Mayor Niña Jose kay Taylor Sheesh sa pamamagitan ng Facebook post.
“I will not tolerate homophobia and physical abuse in my town,” caption sa FB.
Patuloy niya, “I will make sure that JUSTICE will be dealt with. I am sorry to Taylor Sheesh that someone assaulted her during her performance!”
Baka Bet Mo: Bayambang Mayor Niña Jose viral matapos mabahuan sa mic: ‘It’s amoy maasim’
Ibinalita na rin ng alkalde na kasalukuyang nakakulong ang nanakit sa drag performer at sasampahan ito ng kaso.
“Don’t worry. Authorities have the person in question and this matter and incident will be dealt with accordingly,” wika ng mayora.
Ani pa niya, “BYB is a peaceful and safe town and I CaNNot CONDONE this stupidious act! I am so mad and so angry!!!! SHAME on YOU!!!!”
This is traumatic. Literally. I’m shaking rn. https://t.co/e5ewdiXRwC
— Mac (Taylor Sheesh) (@heymacyou) April 6, 2024
Tila hindi pa nakuntento diyan si Mayor Niña at nagkaroon pa siya ng FB Live upang opisyal na ipahayag ang kanyang statement.
Muli niyang inulit na mariin niyang kinokondena ang nangyaring pananakit kay Taylor Sheesh.
“Our administration and LGU Bayambang strongly supports and we really love our LGBTQ community kaya I’m very upset and I will make sure again that justice will be served,” saad ng alkalde.
Patuloy niya, “We condemn the actions of the certain person with the name that starts with letter ‘E’ and we will make sure that justice will prevail.”
“Right now, this individual is imprisoned and there will be cases filed against him. As far as I am concerned, even by Taylor Sheesh. So I rest assure that we, the LGU Bayambang, we are doing our part and we will make sure that justice prevail,” pagtitiiyak ni Mayor Niña.