KAHIT gaano ka-busy sa pagtatrabaho, sinisiguro ni Robi Domingo na nasasamahan niya si Maiqui Pineda sa mga treatment session nito sa ospital.
Tuluy-tuloy pa rin ang pagpapagamot ni Maiqui para sa rare autoimmune disease nito na tinatawag na “dermatomyositis”, isang “uncommon inflammatory condition characterized by muscle weakness and skin rash.”
Sa kanyang Instagram Stories, ibinahagi ni Robi ang ilang kaganapan sa isinagawang extensive treatment sa kanyang asawa kamakailan sa isang ospital.
Ayon sa Kapamilya TV host, ang recent treatment kay Maiqui ay tumagal ng mahigit 10 oras, ang pinakamatagal na session na isinagawa sa kanyang misis mula nang ma-diagnose ito ng “dermatomyositis.”
Baka Bet Mo: Quarantine exemption ni Gerald kinuwestiyon; binigyan nga ba ng special treatment?
Kalakip ang picture ni Maiqui na kuha sa loob ng hospital room, ang caption na inilagay ni Robi dito ay, “Time for her treatment! (emoji). Went here at around 745 am, we finished before 7pm.”
Samantala, habang sumasailalim naman sa kanyang treatment, nakuha pa niyang kunan ng litrato ang asawa habang natutulog sa isang upuan.
Sey niya sa caption, “@iamrobidomingo already sleepy but we still have 4-5 hours to go (emoji).”
Ni-repost naman ito ng TV host sa kanyang IG Story na may text caption na, “We initially thought it was until after lunch time.”
Sa sumunod niyang post, makikita naman ang Kapamilya star na nakaupo habang nakatingin sa kanyang cellphone.
Baka Bet Mo: Netizen inireklamo ang pagpapabakuna ni Alice sa Manila: Bakit pag artista may exemptions?
“Ok I was wrong, the whole treatment is now 7-8 hours long since they increased the dosage (emoji),” ang mensahe pa ni Robi.
Nag-sorry naman si Maiqui sa kanyang husband dahil sa haba ng oras na kanilang ginugol paea sa kanyang treatment, “Sorry and thank you so much @iamrobidomingo for being with me!!!! 4 more to go.”
Muling nag-post si Robi ng litrato sa IG makalipas ang ilang oras, “Then the medical prods told us it will be until around 6pm (emoji). LABAN!”
Nagpasalamat naman si Maiqui nang ilipat siya sa mas kumportableng upuan para sa last hours ng kanyang treatment, “Finally moved to the lazy boy chair. 3 more hours. Fighting!!! @iamrobidomingo.”
Tinawag pa niyang “best hubby” si Robi sa kanyang appreciation post matapos ang gamutan, “DONE!!! We’ve been here since 8 am.
“Now to finally go home and rest. Can’t thank @iamrobidomingo enough for being with me here!!! Best hubby,” ang mensahe pa ni Maiqui para kay Robi na nag-reply naman ng, “Always here.”