IN FAIRNESS, walang-wala sa itsura at tindig ngayon ng premyadong singer at OPM icon na si Randy Santiago ang pagiging senior citizen.
Nakachikahan ng BANDERA at ilan pang piling reporter ang singer-director kamakailan sa presscon ng comeback concert niyang “EYE CON” at iisa ang komento ng lahat – may lahing “bampira” rin si Randy.
Sa darating na November 26, turning 64 years old na si Randy pero hindi nga ito mababakas sa kanyang itsura, “I’m getting old. I’ll be turning 64.
“And siyempre, yung nakasanayan nilang galaw ko, e, siyempre hindi naman magandang kumakanta pa ako tapos yung galaw ko, e, may edad na ako,” aniya.
Baka Bet Mo: Randy Santiago pangarap makasama uli sa pelikula si Maricel; miss na miss na ang yumaong anak
Sa tanong kung nagpaplano na ba siyang mag-retire anytime soon, “Nope, hindi naman po, as long as they’re still there to watch me.
“Tsaka medyo maikot tayo ngayon, e. We do a lot of concerts also. So, yun, medyo maikot tayo. Aside from concerts naman, television is there. So, medyo may mga nagpaparamdam na bumalik tayo,” aniya pa.
Bukod sa pagiging singer at direktor, isa ring na magaling na host si Randy kaya pag-amin niya, “Nami-miss (mag-host), kakatapos lang namin ng Sing Galing, e.
“Pero ang hirap du’n, hindi ako makaalis, which is of course singing when you’re abroad, hindi ka naman makakaalis-alis diyan. Hindi ka puwedeng magtagal ng isang buwan,” sabi pa ng utol nina Rowell at Raymart Santiago.
May balak ba siyang umarte uli sa harap ng mga camera? “As a director, kapag sitcom, director ako. Naka-shades kasi ako, e. Alam mo namang sobrang dami ng limitasyon.
“Kahit yung mga teleserye, ginawan na lang namin, pinakita ko yung kanang mata ko just for the teleserye,” sey pa niya.
Ano naman ang masasabi niyang secret sa ilang dekada niyang pananatili sa showbiz? “Tumagal kami dito siguro dahil sa pakikitungo namin sa lahat ng taong nakakasama namin and, of course, malaking bagay po ang press people na hindi po nasira yung image namin.
“So, probably, kung yung imaheng napapakita namin sa industriya ay hindi maganda, I’m very sure na noon pa lang ay nasira na kami.
Baka Bet Mo: Tanggapin kaya ni Randy Santiago kapag inalok siyang maging host sa bagong ‘Eat Bulaga’?
“Of course, I’m just so blessed dahil lahat ng nakasama ko ay nandun pa rin, especially the ’80s group.
“Siguro yun din ang ipapabahagi namin sa mga susunod na henerasyon, na kung ano man yung maibibigay naming payo sa kanila, we are more than willing to do that and give it to them,” sabi pa niya.
Samantala, ang “EYE CON” concert ni Randy ay magaganap sa PICC Plenary Hall sa April 12 kung saan makakasama rin niya ang mga kapwa OPM artists na sina Nina, Rachel Alejandro, Gino Padilla, Juan Miguel Salvador at Pops Fernandez.
Ka-join din ang mga baguhang singers na sina JM Yosures, Khimo, Lyka Estrella, JM dela Cerna, Marielle Montellano, Jezza Quioge, LA Santos, Six Part Invention at Calista.
Magsisilbimg musical director ng concert si Rey Cantong mula sa direksyon ni Jay Clio Bermudez.