Kathryn pak na pak sa remake ng Marimar; Alden bagay na Sergio

Kathryn pak na pak sa remake ng Marimar; Alden bagay na Sergio

Kathryn Bernardo (Photos from Twitter)

PAK na pak daw ang Kapamilya actress at Box-Office Queen na si Kathryn Bernardo na bumida sa remake ng “Marimar.”

Kung sakaling magkakaroon daw ng bagong collaboration ang GMA at ABS-CBN, sana raw ay gawin nila ang bagong version ng “Marimar” at kunin si Kathryn bilang lead star kasama ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards.

Unang bumida sa Pinoy version ng naturang Mexicanovela (na pinagbidahan nina Thalia at Eduardo Capetillo) ay sina Marian Rivera at Dingdong Dantes na umere noong 2007 sa GMA 7.

Baka Bet Mo: Marian feeling super sexy kapag hinahalikan sa paa ni Dingdong, Boy napa-‘OMG!’; may rebelasyon habang ginagawa ang ‘Marimar’

Sinundan ito ng panibagong adaptation na pinagbidahan naman nina Megan Young at Tom Rodriguez.


Dahil sa mga viral sexy pictorial ngayon ni Kathryn para sa isang fashion magazine, partikular na ang kanyang mga beach photos ay maraming nagsasabi na puwedeng-puwede siyang gumanap bilang “Marimar”.

Ilang netizens ang nanawagan na gawin na agad ng ABS-CBN at GMA ang new version ng “Marimar” at pagtambalin nga uli sina Kath at Alden lalo pa’t mainit na pinagpipiyestahan ngayon ng fans ang kanilang sweetness.

May nakita pa nga kami sa social media na isang pubmat kung saan makikita si Kathryn na kunwari’y siya na ang napiling gaganap na “Marimar.”

Baka Bet Mo: #Awwww: Thalia binalikan ang tagumpay ng ‘MariMar’, muling isinuot ang iconic OOTD sa beach

Mababasa sa Facebook account na Universal Production Manila ang mga katagang “Kapamilya Actress na si Kathryn Bernardo nakitaang pwedeng gumanap bilang Bagong Marimar.”


“Ayon sa ilang director, at netizen bagay si Kathryn bilang maging susunod na Marimar, ang karakter na orihinal na ginampanan ng Mexican superstar na si Thalía noong 1994 at ng Kapuso actress na si Marian Rivera noong 2007,” sabi pa sa naturang FB post.

“Yes Marimar 2024!!!”

“Go…go..idol aabangan nmin yn Marimar 2024 at Kathryn Bernardo & Alden Richards.”

“Bagay na bagay sa kaniya, nakaka-excite naman!”

“Ay wala na bang iba? Kakasawa na Marimar. Gawa na lang bago.”

“Wow, YES NA YES! Bagay na bagay sa kaniya. Acting wise, the looks.”

“Tapos si Alden Richards o kaya si Jericho Rosales ang Sergio.”

“Ang galing pa naman umarte ni kathryn pang malakasan.”

“Sorry pero kapag sinabing Marimar, matik na si Marian Rivera na kaagad ang naiisip. Hindi na mabubura ni Kathryn ‘yan o kahit na sino pa ‘yan, kahit nga si Megan Young na sa GMA pa ginawa!”

Yan ang ilang reaksyon ng mga netizens.

Read more...