KCC, KTO-Manila maglulunsad ng first-ever ‘K-Beauty Hangout’ sa bansa

KCC, KTO-Manila maglulunsad ng first-ever ‘K-Beauty Hangout’ sa bansa

PHOTO: Courtesy of Korean Cultural Center in the Philippines

MGA ka-Bandera, handa na ba kayo magpaganda ngayong summer?

Magkakaroon ng first-ever beauty event na “K-Beauty Hangout” ang Korean Cultural Center in the Philippines (KCC) at Korea Tourism Organization Manila Office (KTO-Manila) in collaboration with Jenny House, AMOREPACIFIC Philippines, at SM Aura.

Mangyayari ‘yan sa Level 3, Atrium sa SM Aura sa darating na April 12 simula 10:00 a.m. hanggang 6 p.m.

Ang event ay dinala rito sa bansa bilang selebrasyon ng “Korea Beauty Festival 2024” na gaganapin sa Seoul sa South Korea sa darating na May 31 hanggang June 30.

Baka Bet Mo: KCC binuhay ang ancient Korean paintings, pasabog ang digital art exhibit

Ang festival ay hosted by the Ministry of Culture, Sports, and Tourism (MCST), Korea Tourism Organization (KTO), at Visit Korea Committee.

Alam naman natin na bukod sa K-Pop at K-Drama, tinatangkilik din ng maraming Pinoy ang K-Beauty.

Kaya naman, babandera sa “K-Beauty Hangout” ang isang araw na puno ng beauty exploration, education, at hands-on experiences.

Ang good news pa, free admission o libre ang pag-join sa nasabing beauty event!

Maliban sa Korean brands at activities, magkakaroon pa ng lecture ang isa sa distinguished makeup artist from Jenny House, Korea.

Para sa kaalaman ng marami, ang Jenny House sa South Korea ay isa sa mga sikat na beauty salons ng Korean stars katulad nina Son Ye Jin mula sa 2019-hit K-drama na “Crash Landing On You”, at Park Shin-hye na bida naman sa hit K-drama na “Doctor Slump.”

Narito ang schedule at guidelines para sa gaganapin na “K-Beauty Hangout”:

PHOTO: Courtesy of Korean Cultural Center in the Philippines

Read more...