NAPAKILALA na ng BANDERA sa mga naunang artikulo ang pinakabagong P-Pop group na 6ense, pero kilala niyo na ba kung sino ang pinapangarap nilang maka-collaborate in the future?
Tinanong rin namin ‘yan mismo sa kanila nang magkaroon kami ng exclusive interview with them matapos ang kanilang Debut Showcase Day na ginanap sa Music Museum noong April 5.
Isa lang naman ang naging sagot nila diyan at sabay pa nilang sinabi ang “SB19.”
Ayon sa kanila, idol na idol talaga nila ang Pinoy pop sensation at isa raw ito sa mga tinitingala nilang “kuyas.”
“Sila po talaga ‘yung nilu-look up namin when it comes to career path,” sey ng main dancer ng grupo na si Pen.
Baka Bet Mo: 6ense emosyonal sa debut concert: Dati 30 fans lang, ngayon hundreds na!
“I know may sarili kaming story and flavor pero mas maganda na ‘yung meron kaming [inspirasyon] para at least may direksyon,” paliwanag niya.
Kasabay ng kanilang debut day, ni-release na rin ng 6ense ang debut song na may titulong “H.U.G. (Hate You Give).”
Bukod sa live performance nito, nauna na nilang ipinasilip sa fans ang official music video ng nasabing single.
Take note, ire-release at mapapanood sa YouTube ang MV ng “H.U.G.” sa darating na April 15.
Kwento ng 6ense, nais nila iparating sa kanta ang masamang dulot ng “hate culture” sa isang tao, lalo na pagdating sa social media.
Ang nagsulat ng debut single ay ang lider ng grupo na si Wiji.
“‘Yung pinaka-message po ‘nun…paano kung lahat ng sinasabi mong masama sa tao online or offline [ay] naka-tattoo siya sa katawan mo? Would you be proud sa mga tattoo na meron ka sa katawan? Kasi lahat ‘yun, ‘yun ‘yung sinasabi mong masama sa lahat ng tao,” sambit ni Wiji.
“And we don’t want to normalize the hate culture na nagkamali lang, grabe ‘yung hate na ibibigay mo sa ibang tao just because they commit mistakes,” Paliwanag pa niya.