Jessy kontra noon sa pagpasok ni Luis sa politics: Hihiwalayan kita!

Jessy kontra noon sa pagpasok ni Luis sa politics: Hihiwalayan kita!

Jessy Mendiola at Luis Manzano

KUNG noon ay kumokontra si Jessy Mendiola sa pagpasok ni Luis Manzano sa mundo ng politika, ngayon ay iba na ang pananaw ng aktres.

Handa nang sumuporta nang 100% si Jessy sakaling magdesisyon ang kanyang pinakamamahal na asawa na maging public servant.

Nagsalita si Jessy tungkol dito nang mag-guest siya sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong nagdaang Biyernes, April 5, kung saan natanong nga siya kung tuloy na ang pagpasok ni Luis sa politics.

Baka Bet Mo: Boy Abunda: Natawag na ako ng bobo, pangit, laos, hindi marunong mag-interbyu…lahat iyan masakit!

“I cannot answer that yet. Recently kasi si Luis, he has been doing events in Lipa, kasi si Tito Ralph (Recto) is very busy so si Luis ‘yung pumupunta for him.

“And marami ang nagtatanong sa akin kung tatakbo ba siya, is he going to get into politics. And as of now I cannot answer yet,” aniya pa.


Inamin ni Jessy na tutol siya noon sa pagsabak ni Luis sa politika, “Siguro kung before ito, noong mag-boyfriend-girlfriend pa lang kami, actually sinabi ko talaga sa kanya ‘Kapag ikaw tumakbo, hihiwalayan talaga kita.’

“I know naman its for our country, it’s for the Filipinos. But for me kasi, I kind of grew up in showbiz, and showbiz is a different world.

“And politics also is another different world. So for me, hindi ko alam kung kaya kong i-handle ‘yun,” pagbabahagi ng celebrity mom.

Baka Bet Mo: Winwyn Marquez suportado na ang pagsali ng transgender women sa Miss Universe

Pero nang makita ni Jessy kung gaano ka-dedicated at kasipag magtrabaho ang nanay ni Luis na si Vilma Santos na dating House Deputy Speaker at Batangas 6th District Representative, at mister nitong si Secretary ng Department of Finance Ralph Recto, ay nagbago ang kanyang pananaw.

“But at this point, now that I’m married to him, and also I’ve been with sina Momskie (Ate Vi), sina Tito Ralph, and mas lalo na noong pandemic, I’ve seen kung paano ‘yung public service nila. And isa lang ang masasabi ko talaga. Grabe talaga ‘yung public servants natin.

“Of course I could only speak for my in-laws. Para sa akin si Luis. family niya ‘yun eh, and that’s part of him. I cannot deny him that, if ever man he’s gonna run, sino ba naman ako para ipagkait sa kaniya ‘yung ganu’ng parte ng buhay niya.

“So sinabi ko talaga sa kaniya, just in case he decided to run, ‘I will be here for you.’ In-assure ko siya,” lahad pa ng aktres.

Read more...